Sweet Surrender: 1

7.3K 135 6
                                        


Hearts are wild creatures, that's why our ribs are cages.
📖📖📖

Aldous

MAGANDA at matingkad ang sikat ng araw. Mas pinatingkad pa iyon lalo na ng masayang celebration dito sa simbahan. It was a great day for a wedding for Vince and Quin. Kung paanong nangyari iyon ay iku-kuwento na lamang ni Vince sa istorya niya. Every special occasion between each of our family, it's a rule that we all must attend. Masyadong sanga-sanga ang relasyon ng pamilya Saavedra, Lopez at dela Vega.

"Bakit parang Biyernes Santo yang mukha mo?" tanong sa akin ng kapatid kong si Sam. Inayos nito ang kuwelyo ng suit ko saka tinapik ang aking pisngi.

"Ate nga!" I hissed at her saka iniilag ang mukha pero tinawanan lang niya ako. "I still couldn't forget that a funeral is also taking place right now."

It was one of his tough assignments. Me and my twin—Vince took the other road when we chose to be a soldier. Naging malaking impluwensya ang Uncle Noah ko sa amin. I went to Airforce, Vince went to Marines at si Kohl naman ay napadpad sa SEAL tapos na-recruit ito bilang operator ng Delta Force Demolition.

Like my father, I save lives, but I also kill people. Bad people. Of course, my family doesn't know about that. All the pieces of information I gave to them about my job were limited. Ayokong atakihin sa puso si mommy ng maaga at pag nagkaganon, my dad will hate me forever.

"Can you please try to forget that you are not a freak just for this moment, Vander." mariing utos ng kapatid ko. "Hindi pa ba sapat na mas maaga siyang kinuha ni Satanas?" Nag salubong ang kilay ko sa tanong ni Sam na yon sa akin.

Hindi. Hindi lahat ng kasalanan mababayaran ng basta ganun-ganun lang. I thought I would be at peace if I finally bring some peace having caught a ruthless drug lord. Pero mas nagmukhang injustice pa ang nangyari dahil hindi niya masyadong pinag dusahan ang nararapat niyang makuha. Dying is their escape from serving the punishment they deserved.

"Madaling sabihin, pero mahirap tanggapin, Ate. Maraming buhay ang sinira ng taong iyon. Maraming tao, maraming pamilya ang nag dusa dahil sa kagagawan niya." ani ko dito. Siguro, naiinis lang talaga ako sa mga kriminal na nakakaligtas sa kanilang mga kasalanan. Oh, dahil na din sa mga threats sa buhay ko. Hindi lingid sa akin kung magkano na ang worth ng ulo ko sa mga nakalaban ko.

"The bride is here!" Narinig kong sigaw ni mommy. Mom and Tita Cassie were the ones being hands-on with this wedding.

Inakay na ako ni Ate Sam para pumunta sa harapan at mag formation. Si mommy ang gumawa ng lahat ng remediyo sa kasalang ito kaya hindi pu-puwedeng masira o may sumira na naman nito. And Vince? Well, hindi ko na alam sa kanya kung humihinga pa siya. I pushed aside that uneasiness and focus instead on the bride and groom. Nag umpisa na kaming mag lakad, ka-partner ko si Kizsa at nasa likuran ko naman si Kohl na ka-partner naman si Roni.

"Ikaw kuya Van, kelan naman kaya ikaw ikakasal?" Muntik na akong masamid sa tanong ni Kizsa sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay at walang balak sagutin ang tanong niya.

"Actually, he is engaged, Pumpkin," tudyo naman ni Kohl ng makisabat siya. Nilingon ko siya saka tinitigan ng matalim.

"Oo nga pala, Kuya Van. Where's your fianceé? Bakit hindi siya pumunta dito?" Roni asked me after, hayan na po tayo. Nag umpisa ng magtanong ang mga makukulit na mga batang to! Mamaya talaga sasapakin ko tong si Kohl ng matinde, remind ninyo ako ha.

Sweet SurrenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon