You fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time.
📖📖📖Hailey
HINDI matapos tapos ang luha kong patuloy lang sa pag labas mula sa mga mata ko. Gusto kong maging masaya dahil sa unang pag kakataon ay narinig ko kay Aldous na walang kinalaman si Papa sa pagkamatay ng Tita niya. Pero para saan pa ang lahat? Hindi na maibabalik ang mga panahon na nag hirap si Papa sa kulungan.
Kaagapay ko si Aldous ng magpasiya kaming bumalik sa loob ng mansion. Nakita na namin agad sa labas yung mga magulang niya. Si Miss Freya agad akong niyakap pagka kita pa lamang niya sa akin.
"I'm sorry, I should have told you sooner." Paghingi nito ng paumanhin sa akin. Napaiyak na naman ako. May isang parte sa akin na gustong magpatawad habang mas nananaig ngayon sa akin ang hinanakit.
"Kung tumistigo sana kayo, sana kasama ko pa ang Papa ko." Lumuwag ang pagkakayakap sa akin ni Miss Freya at napatitig lang ito sa akin, "Kung sinabi niyo sana ang nalalaman ninyo, mapapawalang bisa ang kaso ni Papa."
"H-Hailey hindi..."
"Alam ninyo pero nanatili lang tikom ang bibig ninyo. Nag hanap kayo ng taong aako sa kasalanan ng iba." Mapakla akong napangiti habang bumabalik sa akin yung mga araw na binibisita ko si Papa sa kulungan. Ang lungkot lungkot ng mga mata nito. Nangayayat ito dahil hindi na naalagaan ang sarili nito. Pati ang pag inom nito ng gamot ay naitigil din nito.
"Alam ninyo ang tunay na nangyari noong gabing iyon pero bakit hinayaan niyong makulong ang Papa ko!" Ang sikip-sikip ng dibdib ko. Kailangang mailabas ko ang damdaming ito dahil alam kong kakainin ako nito.
"I know, Hailey. I know." Pilit akong inaabot ng mga kamay ni Miss Freya pero lumayo ako. Nakita kong lumabas na rin ang mga tao sa loob kangina at ngayon ay nagtataka kung ano ang nangyayari.
"Mom?" Narinig ko si Summer pero walang kumikibo ni isa sa amin. "Dad? Vander? Anong kaguluhan ito?" Nalilito paring tanong ni Summer habang ako ay iyak parin ng iyak. Sa pag atras ko ay nasalo ako ni Aldous. Hawak niya ako sa balikat at pinipilit akong pinapakalma.
"Vander?!" Sigaw na ni Summer at lumapit ito kay Miss Freya.
"Mom knows that Mr. Assuncion wasn't Aunt Yumi's killer."
Narinig ko ang malakas na pag singhap ni Summer at pagkatapos ay tumingin ito sa ina. Ayokong kuhanin ang simpatiya ng mga tao sa paligid. Mas gusto kong marinig ay kung bakit? Bakit sa kabila ng nalalaman nito ay hindi man lang nito itinama ang mali?
"Sa loob tayo mag uusap." Narinig ko ang boses ng haligi ng kanilang tahanan, ang daddy ni Aldous. Kanina pa nga ito nakikinig lang, "Summer, alalayan mo ang mommy mo. Vander, pakalmahin mo si Hailey at pagkatapos ay pumasok kayo sa salas." utos nito at saka tumalikod at nanguna na sa pagpasok.
"Hailey," umpisa ni Aldous. Sumisigok-sigok pa rin ako sa sobrang pag iyak.
"Ayokong marinig, Aldous. Ayoko." Nasasaktan ako. How? How could they keep this thing to me? I doubted my father. Nasira ang pamilya ko, naging masama ang mga kapatid ko. Kahit anong paliwanag pa yan hindi ko matatanggap.
"Alam kong walang paliwanag ang makakapag palagay ng loob mo. Hindi ko rin hinihinging pakinggan mo si mommy. Pero naniniwala akong may mabigat na dahilan kung bakit niya iyon ginawa."

BINABASA MO ANG
Sweet Surrender
Mystery / ThrillerSG: 5th Getting married may be more difficult than completing his mission. Ms.Therapeutic ©