Sweet Surrender: 8

2.7K 85 9
                                    


We can cure physical diseases with medicine, but the only cure for loneliness, despair, and hopelessness is love. There are many in the world who are dying for a piece of bread, but there are many more dying for a little love

—Mother Teresa
📖📖📖

Aldous

HAILEY ANNE Asuncion was dead—joke lang. Hindi siya patay. Mukha lang. Matapos ang ma-dramang pag tatagpo nilang magkakapatid ay akala ko hindi na kami makakaalis ng walang dumadanak ng dugo.

Pagkasakay pa lang namin ng sasakyan ay nakatulog na agad ito. Paminsan-minsan ay nililingon ko ito pero siguro ay natuyuan na din ito sa mga nangyari. Malalim din ang mga mata nito na parang hindi nakatulog ng maayos ng ilang araw. I get that—dahil siya lang naman ang nagbantay sa akin sa hospital.

I saved her life twice now. Una, nung tamaan ako ng bala at pagkatapos naman ngayon ay yung bombang nakatanim sa apartment nito. Damn! I felt like I was in Afghanistan all over again when I saw that PVC type bomb. Kung wala ako doon, anu na lang kaya ang nangyari sa kanya.

Marahas akong napailing para mabura ang mga naiisip kong mga kahindik-hindik na mga pangyayari. Pumula ang traffic light kaya natitigan ko pansamantala si Hailey. She is pretty—no, she is breathtaking. Hindi ko pa rin nakakalimutan kung paano niya ako hinalikan sa mismong wedding anniversary ng parents ko. Dahan-dahan kong hinawi yung buhok na nalaglag sa mukha niya. She's sleeping like a baby.

I picked up my cellphone and connect it to a bluetooth device saka ko tinawagan ang kapatid ko. Hindi ko na mapapalampas ang pangyayaring ito. After what happened I realized that I wasn't the one who they want to be killed.

It's Hailey.

"It's me, I need you to check all the CCTV's around the perimeter of Hailey Assuncion's apartment. I'll give you the address." mahina kong saad at pagkatapos ay nilingon pa itong muli at ng makita kong tulog pa rin siya ay nakahinga ako ng maluwag. "She's with me now, Vince. Dadalhin ko muna siya sa penthouse. When Mom asked for me, tell her that I'll talk to her later."

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit? Bakit may magtatangka sa buhay nito at bakit din ganon na lang siya ka-determinado ng sabihin nitong mag papakasal siya sa akin. Kahit pa sabihin niyang may nararamdaman siya para sa akin or attracted siya sa akin hindi maikakaila sa mga mata niya na mayroon pang ibang dahilan.

Nakahinto na kami sa dela Vega Towers sa Pasay City kung saan andoon ang penthouse ko pero bagsak pa rin ito. Huminga ako ng malalim saka nagpasyang kalagin ang seatbelt nito. I slid one arm underneath her knees and the other behind her back and lifted her from her seat. Napangiwi ako dahil may kaunting kirot na nag mumula sa tagiliran ko kung saan ako tinamaan pero hindi ko iyon masyadong ininda. Walang-wala ito sa dinanas ko sa ilang tour ko sa middle east noon. I stirred when she moved towards him. Nakasubsob na ang mukha nito sa puno ng leeg ko at ang bawat tama ng mainit nitong hininga ay gumagawa ng kakaibang kiliti sa balat ko.

Holy shit! How could this woman affect him like this? I don't know her and she spent her past years hating me for what I have done to her father.

May mga mangilan-ngilan pang mga guests at residents ang nakita ko sa lobby habang binabagtas ang patungong elevator. Some employees were greeting me with a knowing smile in their faces at dahil iyon sa babaeng karga-karga ko ngayon. Madali kong pinindot ang top floor kung nasaan ang unit ko, actually hati ang buong floor na iyon sa aming magkapatid ni Vince but since he married six months ago. They only renewed their vows at the church three days ago. Ako na lang ang nag i-stay dito at anduon sila sa elder's house.

Sweet SurrenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon