Maybe it's not always about trying to fix something broken. Maybe it's about starting over and creating something better.
📖📖📖
Hailey
KASABAY ng malakas na putok ay ang siyang pag sigaw ni Aldous na nag utos sa aming dumapa. Sa sobrang pagka gitla ko ay hindi ko malaman kung ano ang uunahing gawin. Nakatitig lamang ako sa kawalan dahil hindi ko maigalaw sa sobrang takot ang katawan ko, dalawang sunod-sunod na putok pa ang pumailanlang sa paligid at napapikit na lamang ako ng mahigpit at handa ng tanggapin ang katapusan ko ng may bigla na lamang dumagan sa aking matigas na bagay imbes na sa lupa ako bumagsak.
"Okay ka lang?" napadilat ako at mata ni Aldous agad ang nagisnan ko. Napasinghap ako ng makitang nasa ibabaw niya ako at mahigpit ang dama kong yakap nito sa baywang ko. "Hailey!" mariin nitong tawag sa pangalan ko. Napakurap ako saka lang bumuhos sa akin ang katotohanang may nag tangkang manira sa maayos na libing ng Papa ko.
"O-okay lang ako." akma akong aalis sana sa ibabaw nito pero hindi naman niya ako pinayagan.
"Were you hit?" Umiling ako. "Are you hurt?" umiling pa rin ako sa sunod nitong tanong. Itinukod ko ang mga braso ko sa dibdib niya at nakita kong ngumiwi ito. Nanlaki ang mga mata ko sa nakitang may dugo ito sa kanang tagiliran.
"Y-you were shot!" napauwang ang bibig kong sabi, napaliguan na rin ang kamay ko mula sa dugo nito at hindi ko mapigilang manginig sa takot.
"Daplis lang ito," turan nito sa akin saka pilit bumangon pero yakap pa rin ako. "Mom!" hanap nitong sigaw sa ina. Ngumiwi pa ito ng ilang beses, daing-daing ang tama nito sa tagiliran pero hindi naging sagabal iyon dito para protektahan siya.
"Mom's okay, Vander!" narinig kong hiyaw ng kapatid nito na pati rin ako ay tila nabunutan ng tinik sa narinig. Inutusan nito ang kapatid na ialis si Ma'am Freya sa lugar na iyon at tumawag ng backup.
"You were shot!" hindi na maipinta ang mukha ko sa pamumutla ng mas dumugo ang sugat nito dahil sa kaunting pag kilos niya.
"I'm fine." Sabi lang nito at kumilos na naman ito kaya mas lalong bumuhos ang dugo palabas sa tagiliran niya.
"Aldous, ano ba!" naiinis ako sa kanya dahil hindi nito pinapansin ang anumang mga sinsabi ko sa kanya. "You are bleeding! Baka maubusan ka ng dugo!" malapit na akong mag histerikal dahil hindi ko alam kung paano ko siya matutulungan sa lagay niya. Prinotektahan niya ako. Siya ang sumalo sa bala na dapat na sa akin nakalaan.
"Stay down," mariin nitong utos sa akin. Sumunod ako. Pinakiramdaman namin ang paligid.
"The shooting stopped," sabi ko pero sa tagiliran pa rin niyang dumudugo naka-sentro ang atensyon ko.
"Stay down, Hailey! Don't you ever fucking move again until we get back up." ma-awtoridad nitong utos sa akin pero hindi ako matatahimik hangga't hindi nabibigyan ng atensyon ang sugat niya.
Napalinga-linga ako sa paligid. Mag isip ka Hailey Anne! Nakagat ko ang bibig ko ng makita ko ang napipikit na mga mata ni Aldous sa tabi ko. Hinaplos ko ang mukha nito kaya dumilat ang mga mata nito.
"H-huwag kang matutulog, please..." pag susumamo ko sa kanya, nanginginig ang mga kamay ko saka pinag diskitahan ko ang blouse ko. Pinilas ko ang laylayan nito saka inilagay at idiniin sa parte ng sugat niya.
BINABASA MO ANG
Sweet Surrender
Misterio / SuspensoSG: 5th Getting married may be more difficult than completing his mission. Ms.Therapeutic ©
