Real family does not come from your blood. It is the people standing beside you when no one else is.
📖📖📖Aldous
TATLONG araw mula ng sumugod ang mga kapatid ni Hailey sa mansion. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang likod ko dahil sa pagkakahataw sa akin ni Harold ng dos por dos. Daddy decided for us to stay until we re-open the case of Hailey's father. Katuwiran kasi ni daddy; kung dito nga raw sa mansion ay pinag tangkaan na ang buhay namin, pano pa kaya kung sa labas.
I was mad. Enough to kill mad. Habang tumatagal ay lalong nagiging malabo ang pag i-imbestiga ko. Lalong dumadami ang mga nag tutulong-tulong na lansihin ako kung sino ba talaga ang tunay na may sala. At ngayon, pati yung Tiyuhin ni Hailey ay kasama na rin sa dapat kong pa-imbestigahan.
"Ready ka na?" Tumaas ang paningin ko mula dun sa may hagdanan at makita si Vince na nanduon.
"Yeah," Tipid kong sagot. Kinalas ko yung magasine mula sa magnum 45 na nililinis ko mula pa kanina saka tinignan kung puno ito ng bala. Nang ma-satisfy ako sa aking nakita ay saka ko ito muling inayos at ikinasa.
Lumapit si Vince sa akin na nakakunot ang noo. Isinukbit ko ang baril sa may bandang tagiliran ko at saka iyon tinabunang maayos ng t-shirt ko.
"Does Hailey know?" Nilingon ko si Vince na nag hihintay ng isasagot ko.
"Know what?"
"The plan?" Sabi pa ni Vince kaya naintindihan ko ang ibig nitong sabihin. Nilingon ko yung itaas na bahagi ng mansion na kung saan anduon ang silid ko at nag papahinga si Hailey ngayon.
"No one has to know, especially her." Mahigpit kong bilin kay Vince na umasim ang mukha. Halatang hindi nito gusto ang nasa isipan ko.
Nang sumugod ang mga kapatid ni Hailey dito sa family house ay mas lalo akong naguluhan. Kung dati ay ang mga kapatid lamang nito ang pinag dududahan ko, ngayon pati na rin yung tiyuhin nitong si Lawrence Yuson.
I asked my mother about him but she doesn't even know that he exists. Walang ibang nabanggit na kamag anak si Harry Assuncion maliban sa kapatid nitong si Alicia and it's very eerie in the sense na hindi nito ibinilang ang bayaw nito samantalang malapit na malapit naman ito kay Hailey. I don't get the logic.
"Hindi ko gusto ang tumatakbo ngayon sa isip mo, Van." Hayagang sabi ng kapatid ko, "Hailey needs to know. Sa mga sandaling ito, naguguluhan na siya sa mga nangyayari. Ni hindi na niya alam kung sino ang pagkakatiwalaan."
"Alam ko, Vince. The more that I can't let them go near her." Hailey is very vulnerable nowadays. I can't imagine how her life flips 360 degrees in just a matter of days. Hindi na ako makapapayag na masaktan ulit siya nino man.
"But they are her family, Vander." Paalalang muli sa akin ni Vince pero hindi ako nakinig. I need to know first that she is safe more than anything. Sa isang iglap ay binago ni Hailey lahat sa akin. Ang mga pananaw ko, ang nga desisyon ko ang mga plano ko pati na rin yata ang damdamin ko naapektuhan na ng presensiya nito.
"It's better to be this way, Vince. I want her to know that she can trust me more than anyone to her family." Marami akong naging pagkakamali lalo na ng husgahan ko ang buong pagkatao nito. Hailey is so sweet and caring and trustful. Kaya naman madali itong maloko ng mga taong nakapaligid dito.
"Ayokong mag kamali kang muli, Vander. Kung talaga ngang ayaw mong masaktan ulit si Hailey ay hindi ka magiging padalos-dalos ng ganito." Vince's tone heeds warning but I don't care at all. Buo na ang desisyon ko at pangangatawanan ko ito. I want to know the truth and no one can stop me.

BINABASA MO ANG
Sweet Surrender
Mystery / ThrillerSG: 5th Getting married may be more difficult than completing his mission. Ms.Therapeutic ©