Hailey
FORGIVENESS does not changes the past, but it gives me a chance of my future.
Iyon ang pinipilit kong itanim sa isipan ko. Afterall what I discovered, afterall the lies and deciet. Kay Aldous na lamang ako kumakapit at kumukuha ng sapat na lakas para mag patuloy sa pag laban. He promise me justice and it is justice I will get.
Pag gising ko wala si Aldous sa tabi ko. Mag damag akong umiyak sa sobrang sama ng loob at hindi nito ako iniwan ni isang saglit. Galit ako dahil nag sinungaling ang mga taong pinagkatiwalaan ko. Galit ako dahil pinag kait nila kay Papa ang hustisya.
Pilit akong bumangon, naligo at saka bumaba para hanapin si Aldous pero ang naabutan ko lang ay si Dr. Saavedra kasamang nagkakape ang asawa nito. Pagkakita ko pa lang sa kanya ay gumuhit na naman ang galit sa dibdib ko. Kumuyom ang mga palad ko saka tumalikod na lang ng tawagin ako ni Mrs. Freya, babalewalain ko na sana pero ng marinig ko ang pag tayo nito mula sa pagkakaupo ay napatigil ako sa pag talikod saka huminga ng malalim.
"Hailey..." malambing nitong tawag sa akin. Kita ko na balisa ang mukha, hindi alam kung lalapit sa akin o hindi.
"Hinahanap ko lang ho si Aldous," nakatungo lamang ako sa sahig, ayokong salubungin ang mga titig niya dahil naaalala ko na naman ang nga tinatago nitong sikreto at gusto ko siyang irespeto kahit man lang para kay Aldous.
"Maaga siyang umalis," pag bibigay alam nito sa akin. Tumango lamang ako. Wala ng nagsalita sa aming dalawa at pawang katahimikan lang ang namayani.
"Mag almusal ka muna, Hija." Dinig kong alok ni Dr. Saavedra na tinangihan ko sa pamamagitan ng pag iling.
"Busog pa ho ako, salamat." Tangi ko. Dali-dali akong tumalikod at saka lumabas papuntang hardin.
Mahilig sa bulaklak ang ate ni Aldous na si Sam kaya naman malaking bahagi ng bahay nila ang hardin. Napapalibutan ng iba't-ibang uri ng mga bulaklak at halaman ang isang malaking fountain sa gitna nito. Sa bandang kanang bahagi naman ay may glasshouse na puno ng mga imported na mga tanim na bulaklak. Pumasok ako ron at saka naupo sa bakal na bench sa loob. Presko ang pakiramdam ko habang napalilibutan ng magandang tanawin. Habang nakaupo ako ay hindi ko maiwasang mag isip. Bakit ba naging ganito kakumplikado ang pamilya ko mula ng makilala namin ang mga Saavedra? Sina kuya Harvey at kuya Harold, papaano kung buhay pa si Papa at napatunayang wala itong sala?
Babalik ba sa dati ang lahat?
Si Aldous, mag iiba kaya ang pag tingin nito sa pamilya ko kung hindi ito nangyari? Magiging totoo kaya ang ngayo'y pag papanggap namin?
Ang daming tanong na nangangailangan ng mga kasagutan.
Tumikhim ako ng malalim ng maalala ko na naman ito at ang mga pangako nito sa akin. Ayokong umasa dahil ngayon pa lang ay nag iiba na ang pag tibok ng puso ko sa tuwing andiyan lang ito sa malapit. Hindi ko lubos maisip na ang dating matatalim na mga titig nito sa bawat hearing ni Papa ay mapapalitan ng mga malalambing na titig.
At ang nangyari sa amin...ang kasal...
"Hailey," sa lalim ng pag mumuni-muni ko ay hindi ko namalayan na kasama ko na pala si Ma'am Freya, atubili akong tumayo mula sa pag kakaupo ko at saka iiwan sana ito dahil hindi ko pa talaga kayang patawarin ang pag lilihim nitong ginawa sa akin.
"Hailey, sandali!" pilit nito akong sinusundan at ng magtagumpay nga ito ay agad nitong hinarangan ang daraanan ko. "I'm sorry, you don't know how sorry I am. For keeping a lot of secrets. For not helping your father. For not clearing his name." kita ko ang pag susumamo ng mga mata nito at ramdam ko rin ang bawat mga salitang binibigkas nito na nakakapag palambot naman sa matigas kong puso.
BINABASA MO ANG
Sweet Surrender
Mystery / ThrillerSG: 5th Getting married may be more difficult than completing his mission. Ms.Therapeutic ©
