Sweet Surrender: 21

1.5K 49 7
                                    


Being alone is not a bad feeling. Sometimes it solves the unanswered questions.
📖📖📖

Aldous

DAMN IT! Naihagis ko na lang ang log book sa sobrang inis ko lalo na at ng mabasa ko ang pangalan ni mommy na isa sa mga bumisita kay Harry Asuncion bago ito namatay.

What was she thinking? Making friends with the enemy? Fuck! I even didn't know? Papano kung may nangyaring gulo sa bilibid at anduon siya? Ang buong akala namin ay nag aayos lang siya ng wedding business niya tapos malalaman kong ganito ang ginagawa niya? Does my father even know this?

"DAMN IT!" Hindi ko napigilan ang sarili ko sa sobrang inis.

"Why so grumpy, Vander?" Agad kong dinampot ang katabi kong magnum 45 saka itinutok sa kung saan ko narinig ang boses kanina but it's only Vince na pigil ang pag hingang nakataas ang dalawang kamay. Inirapan ko ito saka ibinaba at isinukbit ang baril ko sa gilid ng baywang ko.

"How did you track me? What if someone tailed you?" Galit kong tanong dito. We should be in hiding and this cabin is a safe place. Now that Vince is here hindi lang si Hailey ang dapat kong protektahan though I know that Vince can fight Quin is pregnant—ayokong may masabi ang hipag ko sa akin.

"GPS." Nakuha pang iwasiwas ni Vince ang iPhone nito at may pag mamalaki sa boses nito. "I heard you went to prison?" Bigla ang pag seryoso ng kakambal ko.

I signaled him to shut his mouth bago ako dahan-dahang sinilip si Hailey sa kuwarto. She's sleeping like a baby. Marahil ay ngayon ito ginupo ng pagod at puyat. Inilapat ko ang pinto ng silid saka hinarap si Vince.

"How she handled the scene?" Tanong ni Vince sa akin.

"It's bad." Umiling lang ito sa sinabi ko. Alam kong drained at exhausted si Hailey matapos ang pag punta namin sa kulungan. Alam kong sariwa pa sa alaala nito ang nangyari sa ama nito. "Take a look." Inabot ko kay Vince yung log book na kanina lang ay sinukuan kong basahin.

"Mom?" Agad akong tumango, "But why?" That is also my question once I saw and read my mom's name on the list.

Umupo ako sa tabi ni Vince habang pinag aaralan at binabasa parin nito ang laman ng logbook. Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang dalawa kong palad. Kahit ako ay walang maisip na rason kung bakit ginawa ni mommy yon. If she believed that Harry Asuncion was innocent why she let him rot in jail?

Sumasakit na talaga ang ulo ko sa kakaisip.

"Definitely, mom knows something we don't know or she wouldn't have come and give sympathy to the enemy. The man who took Aunt Yumi from us." Nakuyom ko ang palad ko. Hindi ko gustong mag isip ng masama tungkol sa mommy ko. She's the most loving person ever.

"I know what you thinking, Vander. She's not." Wika ni Vince kaya naman napatingin ako rito. May seryoso itong mukha at kita ko ang nag ngangalit nitong panga.

"Vince—"

"Whatever she says, I believe her. She can't lie from us." Panic rose to Vince's face at naiintindihan ko din ang nararamdaman nito.

"We were still young when we left for our jobs. Time changes and so did the people around us. Mom can't be as innocent as we know." Napanganga si Vince sa akin sa kawalan ng masabi. "We can't say that we know mom very well now, Vince." Dagdag ko pa na ikinailing nito ng todo. All of these were speculations and facts. Kahit ako ay ayokong paniwalaan ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. When Aunt Yumi died, mom was so devastated. She stops smiling, she stops taking care of us. Inintindi iyon ng pamilya because we know that she suffered enough. She lost Aunt Lexie beforehand and now she lost Aunt Yumi.

Sweet SurrenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon