NO matter what standards we set for our lover, the fact will always remain that the person we fall in love with will always be an exception.
📖📖📖
HaileyMAINGAT AKONG dumistansya mula sa kumpulan ng mga tao. Ang loob ngayon ng Villa Assuncion ay puno ng kasiyahan matapos dumating ng buong angkan nila Aldous dalawang araw pagkatapos ng naunang pag uusap. Dumating nga rin yung mga magulang ni Kohl at pati na rin ang pamilya ng asawa ni Sam.
Lumabas ako patungong veranda. This Villa is a three-story house na minana pa nila papa at Tiya Alicia mula sa aming mga ninuno. It is the oldest ancestral house being built here in El Pueblo and it is being taken care of Tiya Alicia and his husband Tiyo Renz who's still, until now...hindi pa rin nag papakita.
The silence here outside were even more chilling than the cool night breeze. Hindi ko naiwasang hamigin ang mga braso ko payakap sa sobrang lamig. Tila ba isang malakas na bagyo ang sumalanta sa akin na hanggang ngayon ay hindi ko kayang makabangon. Two days ago, Aldous' penthouse was ambushed and then I was kidnapped and right after that we are here planning a wedding. And this is all with the help of my future mother-in law.
Akala ko noon ay magkakaroon ng isang stand-off sa pagitan ng mga kuya ko at kay Aldous. Kitang-kita ko sa mga mata nila ang poot at galit nila rito. And me helping him and his family makes me the ultimate hypocrite of all. I hated him for so long. Matagal kong binuo sa aking pagkatao na si Aldous ang may kagagawan ng pagkawasak ng pamilya ko noon. But the hate was gone now. At habang tumatagal ay nagiging kahinaan ko siya at iyon ang hindi ko kayang maipaliwanag.
"Tell me the truth now," naipikit ko ang mga mata ko ng marinig ang tinig na iyon ni Kuya Harvey. Kahit ba saglit na minuto hindi ko na ba ako puwedeng mag isa at mag isip?
"Kuya Harvey..." Humarap ako sa kanya at kita ko ang madilim nitong mukha. "I get it. It's not every day that we will have plenty of visitors especially the Saavedras. Pero please naman...tao silang humarap sa atin kaya magpakatao rin tayo kahit ilang oras lang. Mahirap bang gawin yon?"
"Tell me the truth about this engagement at mapapanatag ako." Humalukipkip ako saka tumingin sa ibaba. Napapagod na akong sumagot sa iisang katanungan na hanggang ngayon ay hindi nila kayang tanggapin.
"It's not real, right? Isn't it, Anne?" Hinablot na ako ni kuya Harvey sa kanang braso ko na nagpangiwi sa akin sa sakit.
"Isn't it?!" Giit pa rin nitong tanong sa akin. After all those years of her very vocal hatred of Aldous, she didn't blame them for doubting that her feelings could have so drastically changed. Pero mula ng lumabas siya ng sasakyan noong gabing iyon, dalawang araw na ang nakalilipas at makita ko sa mga mata niya ang pag aalala sa akin, I felt more than relief and something very far from hatred.
"It's real," narinig naming pareho ni Kuya Harvey na nag salita si Aldous sa likuran namin, "And put your hands away from her. It's your last warning." Sing talim ng mga mata ang banta nito kay Kuya Harvey na kung ako rin ay matatakot.
Nanginig ako hindi dahil sa lamig ng gabi kundi dahil sa pag didikit ng mga braso namin ni Aldous ng lapitan niya ako at humakab ang mga matitipunong braso nito sa aking likuran. Mariin akong napapikit. Despite his words, I knew he was lying. But it was only real for her.
"Hindi mo pa rin ako kayang papaniwalain, Saavedra. Hindi ako ipinanganak kahapon." Nakangising tuya nito sa amin.
"Three days from now, me and Hailey will be getting married. You should accept it by now." Narinig ko ang malutong na mura ni Kuya Harvey at kita ko rin ang nanlilisik nitong mga mata ng sabihin yon ni Aldous.

BINABASA MO ANG
Sweet Surrender
Misteri / ThrillerSG: 5th Getting married may be more difficult than completing his mission. Ms.Therapeutic ©