Sweet Surrender: 12

1.6K 47 5
                                    


Loving someone never gives you the right to control them. You can't force them to love you the way you want.

📖📖📖

Aldous

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Aldous

INIWAN ko sandali si Hailey doon sa may sasakyan. Lumakad akong mag isa papasok ng building just to make sure that everything will be alright beforehand.

"Good evening, Mr. Saavedra." Nakangiting bati sa akin sa may front desk.

"Hey, Joana." Bati ko rin sa kanya. At pagkatapos ay iniabot na nito sa akin ang key card. Habang nasa daan kami kanina ay nag messege na ako kay Jace. Panandalian muna kaming mag i-stay dito sa dela Vega Towers, Main. "Andiyan si Boss?" Tanong kong ulit kay Joana at tumango lang siya sa akin bilang pag kumpirma.

My sister Summer married the top highest paid billionaire in Asia—Jace dela Vega. Bukod sa katuwang nito si Dean at Kai sa pag ma-manage ng dela Vega empire. May kanya-kanya din silang mga kumpanyang naitayo.

Mula rito sa lobby ay tinawagan ni Joana si George, secretary ni Jace kaya inantay ko na lamang itong sunduin ako rito. Mga five minutes lang, humahangos na si George papalapit sa akin.

"Mr. Saavedra, the CEO is ready to see you now." Sabi nito at pagkatapos ay nag paalam na ako kay Joana. Umikot kami sa express elevator papaakyat sa thirty-fifth-floor kung saan anduon ang opisina ni Jace.

Iginiya ako ni George sa pinto pero hindi na ito tumuloy na pumasok. Buong floor dito ay sakop ng opisina ni Jace. Pagpasok ko pa lang ay naka apak na ako ng bagay na tumunog.

"What the!"

"Shhh!! Language please." Angil sa akin ni Jace. Minuwestra pa nitong huwag akong maingay dahil karga-karga nito si Dylan na payapang nakatulog sa mga bisig ng ama. "Sorry, ipapalinis ko pa yung office. Katutulog lang kasi niya. This kid is a beast." Napansin ko ding naging disaster nga ang paligid magmula sa mga nakakalat na mga laruan ni Dylan hanggang sa mga pinag timplahan nito ng gatas.

"Nasan ang yaya nito?" Napapailing na lang ako saka isa-isang pinulot yung mga nadadaanan kong mga kalat ni Dylan.

"Nag-off."

"Nasan si Sam?" Tanong ko sa kanya. Minsan din asar tong kapatid ko eh. Alam naman niyang may trabaho ang asawa niya pero iniiwan pa rin niya dito si Dylan.

"You don't know?" Mahina nitong tanong sa akin.

"Don't know what?" Tinignan ko ang bayaw ko ng masama, yung tipong huwag mo akong bibitinin sa chismis na tingin.

Sweet SurrenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon