Sweet Surrender: 5

4.2K 120 8
                                    


At times we do not value our belongings. Unless they stop belonging to us.
📖📖📖

Aldous

NAPABALIKWAS agad ako ng bangon at napangiwi lang ng makaramdam ng matinding kirot sa aking tagiliran. Saka ko naalala ang nangyari kanina, ako at si Hailey. Kung paano ko sinagip at isinakripisyo ang sarili ko masalag lang ang balang dapat tatama dito. It was my instinct. Pilit kong inisiksik sa isip ko dahil kung mayroon pa bang ibang rason siguro ay katangahan na lang iyon. At hindi ako bayani para gawin yon lalo na pag dating sa anak ng kaaway ko.

"Gising ka na pala," napapikit ako saka napadilat lamang ulit, ginagago ba ako ng mga mata ko? "Humiga ka ulit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Gising ka na pala," napapikit ako saka napadilat lamang ulit, ginagago ba ako ng mga mata ko? "Humiga ka ulit. Baka bumuka iyang tahi mo." mariing utos nito sa akin. Hindi ko man gustong sundin ang utos niya pero mapilit ito para lang alalayan ako sa pag higa.

"Si Vince? Ang daddy ko?" Tanong ko sa kanya. Inayos muna nito ng mabuti ang pagkakalagay ng kumot sa katawan ko bago ako tinapunan ng tingin.

"Hinatid muna ni Dr. Saavedra ang mommy mo. Buong araw na siya ditong nag babantay sa iyo, kailangan niya ng pahinga. Kung hindi sa pag mamalabis, pag chagaan mo muna ako dahil ako ang mag babantay sa'yo ngayon. Tutal, dahil naman sa akin kung bakit ka nakahiga diyan ng dalawang araw."

"Dalawang araw? I've been asleep for two days?" hindi ako makapaniwalang magagawang mag shut down ng katawan ko ng dahil lang sa daplis na tama ng baril na iyon. Marami na akong nalusutang mas malala pa rito. Ang matinde pa nito, dahil lang sa pag liligtas sa anak ng pinaka kinamumuhian kong tao sa balat ng lupa. How pathetic you are, Vander.

Maingat ang mga sumunod nitong kilos. Nag init ito sa microwave na provided ng hospital, nakita ko rin itong nag balat ng mansanas at nag hiwa ng mga oranges. Sa buong oras ay tahimik lamang ito. Inayos niya ang ininit na pagkain sa tray at saka idinagdag yung mga prutas na pinag paguran niyang talupan at pagkatapos ay binitbit palapit sa akin.

Nag dalawang isip pa ito ng tangka niyang aabutin ang ulo ko pero sa dahil wala naman itong choice ay ginawa pa rin niya. Nakatitig lang ako sa nakayuko nitong ulo. Ni hindi nito ginawang tignan ako kahit na saglit lang. Inayos niya ang unan sa likod ko upang makasandal ako ng walang hirap at saka ipinatong ang tray sa lap ko. Pinangunutan ko ng noo ang bagay na iyon na nakalapag sa hita ko at sa kanya na nakita kong pinag kiskis ang dalawang palad sa kanyang pantalon.

"You need to eat. Sorry, ininit ko lang yung food na dala ng mommy mo. Sinabi niya kasing hindi ka raw kumakain ng luto ng iba. Madali raw masira ang tiyan mo." segunda na naman niya pero hindi ko pa rin nagawang kumilos kaya atubili itong lumapit at saka umupo sa gilid ng kama ko.

"I can feed myself," nabitin sa hangin ang nakaumang na kutsara ng tangkain nitong subuan ako. Bakit ba sa dinami-dami ng puwedeng mag alaga sa akin ay kailangang siya pa?

Sweet SurrenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon