Pretending to be happy when you're in pain is just an example of how strong you are as a person.
📖📖📖Aldous
"WHAT THE HELL are you doing here!?" I saw how murderous they are just by glaring at me. Yumakap ang isang lalaki dito at yung isa ay handa namang sunggaban ako.
Brothers. I guess. Nung tangka pa lang niya akong kuwelyuhan ay mabilis ko na siyang itinulak. No one touches me without them leaving dead!
"K-kuya Harold!" narinig ko ang malakas na pag singhap mula sa kanya. Nanlalaki ang mga mata nito ng makitang bumunot ang tinatawag nitong kuya Harold ng baril – and just to protect myself, I did the same.
Walang sino man ang makakatakot sa akin. I am Aldous Vander Saavedra. Especially, Asuncion Family. Matagal kong pinangarap ang hustisya para sa Auntie ko. Sa wakas, hindi na ako babagabagin ng mga panaginip ng gabing yon.
Pag pilig ko pa lang ng ulo ko nakita ko na ang maluha-luha nitong mga mata. Unlike her brothers, she was so tiny and fragile. Damn! How did I get myself fooled by her? Kinuha nito ang atensyon ng lahat sa party ng mga magulang ko, ngayon alam na ng karamihan na fianceé ko siya tapos ano to?!
Never let yourself be blinded by battling lashes anymore, Vander! Kastigo ko sa aking sarili. Napailing na lang ako at natawa ng mapait dahil sa sarili kong katangahan. How can that kiss fooled me?!
Nakita ko ang panginginig nito sa takot. Alam ko may pakiramdam akong hindi lalabas ang isa sa amin ng simbahang ito ng may hindi humihinga. But at least, I served my purposed. Pagkatapos nito ay magiging malaya na ako sa kulungang pinag lagyan ko mismo sa sarili ko matapos kong makita ang insidenteng iyon anim na taon na ang nakakaraan. Seeing my cold-blooded Aunt on the floor bathing with her own blood – I had never slept without having those goddamn dreams!
"Kuya, tama na..." Mahinang bulong nito saka ito mismo ang namagitan sa amin.
"Hailey! Stop!" narinig ko pang habol na tawag ng isa nitong kapatid pero hindi ito natinag ng mas lalo itong lumapit sa akin at huminto dalawang pulgada lamang mula sa akin.
Hailey! Pucha. Nag gate crash siya sa anniversary ng mga magulang ko, ipinamalita nito sa lahat ng mga bisitang naroon na engaged kami pero ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya.
"If you'll kill him, mas lalo lang mawawalan ng purpose lahat ng isinakripisyo ni Papa." Diretso ang mga matang nakatitig siya sa akin. Nakaramdam ako ng pagkalito. Why is she saying that?
"You're going to pull a gun at my father's funeral?" malamig pero puno ng tapang nitong tanong sa akin. Her eyes. I've never seen eyes such full of conviction. Don't believe her, Vander. It's just a trick! Naging mas mahigpit ang naging kapit ko sa hawak kong baril.
"Would you rather let them kill me?" napangisi ako ng mapait sa kanya – though a part of me is scared. I am scared of those argentine eyes. Pumunta ako dito dala ng galit at pag hihiganti. Pero ngayon, unti-unti nitong hinuhubad sa akin ang kapasidad kong mag isip ng tama. Tinatanong na ako ngayon ng utak ko kung tama ba ang ginagawa ko? Oh, ang pag punta ko dito?
"They're not going to kill you." mahinahon nitong paninigurado sa akin. Nanatili lang kaming nakatitig sa isa't-isa. Ngayon ko lang nakita at napag aralan ng husto ang mukha niya. She has a deep set of eyes, with dust of freckles, swollen and with fine dark circles around them, her nose is reddish because of too much crying. She's tired and sad.
BINABASA MO ANG
Sweet Surrender
Mystery / ThrillerSG: 5th Getting married may be more difficult than completing his mission. Ms.Therapeutic ©