Sweet Surrender: 27

401 9 0
                                    


Some steps need to be taken alone. It's the only ways to really figure out where you need to go and who you need to be.

📖📖📖

Aldous

"I SAID, put down the gun. I won't ask the third time." his luck had turn out. The moment Alicia exposed him, I knew, I am facing the real killer.

Mataman kong pinag masdan si Lawrence, bakit ni sa hinagap ay walang nakapansin ng mga red flags sa kanya? Bakit hindi ko naisip na posibleng may motibo ito sa pag paslang kay Aunt Naomi?

"Hindi ko ginustong patayin si Naomi. Naging malaking parte siya ng buhay ko. Pero ng malaman niyang pinag bubuntis niya ang anak namin, natakot ito sa mga kapatid at pamilya nito. Hindi niya gugustuhing maging tampulan ng tukso. Na maging kabit tulad ng ina nito. Alam kong lahat, dahil sinabi niya itong lahat sa akin ng gabing iyon." ngayon ay nagiging malinaw na ang lahat sa akin. This is a confession of a killer that I longed for so long.

"Pero hindi nito ako pinakinggan, gayunpaman ay humingi ako ng tulong kay Harry. Alam kong makikinig siya kay Harry. Oo, makapal na ang mukha ko dahil alam kong masasaktan ng lubos si Harry dahil kapatid mo siya, pero ano ang dapat kong gawin? Ilalayo ni Naomi ang anak ko! Hindi ko kaya! Buong buhay ko, iyon ang naging kulang sa akin. Iyon ang naging dahilan kung bakit nasira ang pag sasama namin ni Alicia." pagkatapos ay lumingon ito kay Tiya Alicia, "Minahal kita, Alicia, alam mo iyan. Hindi ko gustong saktan ka, pero minahal ko rin si Naomi."

"Bakit? Bakit kailangang umabot sa puntong kailangan mong patayin ang Auntie Naomi? You said that you loved her, why don't let her free?" I stared down the slightly unsteady barrel at the man. I see the justice aiming my grasp. Bakit kailangan ipasalo kay Harry ang lahat ng kasalanang hindi naman niyo ginawa? Bakit kailangang masaktan ang napakaraming tao dahil lang sa makasariling kagustuhan ng iisa?

Napakaraming katanungan na wala ng magiging kasagutan.

At napakalaking kasalanan na inakusahan ko ang ama ni Hailey sa kasalanang hindi nito ginawa! I resented Harry for so long. I thought that justice for my Aunt was long overdue. I didn't stop for a second helping to get the justice I'm craving for.

I didn't listen.

"Hindi pag mamahal iyon Renz, kundi kasakiman. Pag hihiganti!" narinig kong sambit ni Tiya Alicia, lumikot lang ang mga mata ko sa gawi niya dahil hanggang ngayon ay nakatutok pa rin ang baril ni Lawrence sa akin. Hindi ko hahayaang magkaroon ito ng pagkakataon na masaktan ni isa man sa mahal ni Hailey.

"Wala kang ibang mahal kundi amg sarili mo lang..."

"Alicia, tama na!" dinig ko ang mariin nitong utos na may halong pag babanta.

"Bakit, Lawrence? Hindi ka pa rin ba nakaka alis sa nakaraan? Matagal na akong nanahimik, tama na. Hindi ko hahayaang may masira ka pang buhay, ng pamilya." bigla akong nilukuban ng takot. Parang ayokong marinig ang maruming parte ng nakaraan, sapat na ang malaman kong makakamit ko na ang hustisya...

"Harvey is his son!" sigaw ni Tiya Alicia na nag panganga sa akin, "Harvey is your Aunt Naomi's son. Inilayo ni Lawrence ang anak ni Naomi upang makaganti. Hindi kasi umayon ang lahat sa kagustuhan ni Lawrence, na makuha ang loob ni Naomi. Na pakasalan ito at maging parte ng pamilya Saavedra ng sa gayon ay—"

"Sinabi ng tumahimik ka na Alicia!" sigaw ni Lawrence at sa sandaling iyon ay naging mabagal ang takbo ng oras. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag kalabit nito sa gatilyo ng kanyang baril.

Sweet SurrenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon