Chapter III
New Day, Saviour And What?!
Di ko na lang iyon pinansin at lumabas na ako ng university.
Kakasakay ko lang ng Jeep ng biglang nag vibrate ang phone ko.
Nagtext pala si Pierre.
"Ingat ka sa pag uwi" ang sabi niya.
Agad agad ko naman siyang nireplayan "Paulit ulit? ikaw din"
Ang sabi ko.
Agad kong tinago ang aking cellphone pagkatapos kong magreply kay Pierre.
Nang maalala kong di pa pala ako nagbabayad ay agad akong dumukot ng barya sa aking bulsa.
"Bayad po."
Sabay abot ko.
Nakatuon ang aking mga paningin sa daan ng di ko mamalayang malapit na pala ako sa amin.
"Para na lang po dyan sa tabi."
Sabi ko at ako'y tumayo't bumaba na ng Jeep. Nagsimula ulit akong maglakad hanggang sa makarating ako sa bahay namin.
"Ma, andito na po ako."
Sabi ko sabay baba ng bag ko at dagliang pumunta sa aking ina para magmano.
"Oh kumain ka na ba? Halika rito may inihanda akong meryenda."
Tugon ng aking aking ina habang inihahanda ang juice.
"Hindi na po ma, busog pa po ako. Akyat muna ako at may gagawin pa ako."
Sabi ko sabay hablot ulit ng bag ko at umakyat patungo sa aking kwarto.
Pagbukas ng pinto ay agad kong dinamba ang aking higaan at humiga na para bang pagod na pagod kahit wala naman akong ginawa masyado.
...
Napadilat na lang ako bigla at napansin kong madilim na sa labas. Nakaidlip pala ako. Kinuha ko muna ang bag ko upang gawin ang mga assignments ko.
Malapit na akong matapos sa ginagawa ko ng biglang kumatok ang ina ko.
"Kain na nak"
Sabi nya.
"Sige po tapusin ko na lang to at bababa na ako."
Sabi ko habang busy pa din sa pagsusulat. Narinig ko ang mga yabag niya at mukhang bumaba na din siya.
Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos ko na din ang mga assignments ko. Tumayo muna ako para mag stretching bago bumaba.
