Chapter XV

14 5 0
                                    

Chapter XV
Let the Annihilation Begins


Halos dumagundong sa buong isla ang sigaw ng isang babae. Agad agad namang nagsipuntahan ang lahat kung saan nanggaling ang sigaw na iyon at ilang sandali lamang ay nasundan pa ito ng isang sigaw.

"AHHHHHHHHH!"

Sigaw ng takot ng isa sa mga kasamahan namin. Kami ang huling nakarating doon at nagulat din kami sa kung anong nakita namin.

Yung mga bangkero na naghatid sa grupo namin at yung isa naman ay mukhang galing sa kabilang grupo, ay natagpuang nakabigti sa loob ng rest house.

Agad namang lumapit ang dalawang professor at nagtawag ng ibang kalalakihan.

"Kumalma muna tayo, wag magpanic. Kami bahala dito, yung ibang lalaki tulungan nyo kami at yung iba dun muna kayo sa isang tabi."

Sabi ni Sir Gab.

Agad naman kaming nagkumpol kumpol sa isang tabi habang sila ay binababa ang bangkay ng mga bangkero.


Takot na takot ang lahat sa mga nangyayari. Sino ba naman ang hindi matatakot? Wala. Bigla namang nagsalita si Angela.

"Uhh guys dapat na siguro tayong tumawag ng pulis?"

Tumayo naman si Markus upang pumunta sa telepono para makahingi ng tulong.

"May problema tayo."

Malungkot na sabi ni Markus.

"Putol ang linya ng telepono."

Dagdag pa nya.

"Yung mga phone na lang ang gamitin natin, yung iba naman siguro sa inyo ay may load diba?"

Pagtatanong naman ni Angela.


Kaya agad agad namang nagsidukutan ng mga phone ang isat isa. Ako rin ay kinuha ko ang cellphone ko na nakalagay sa bag.

"Yung phone ko nawawala. dito lang naman sa bulsa ko nakalagay kanina eh."

Pagrereklamo ni Aaron.

"Yung amin din nawawala eh."

Bona Fide InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon