Chapter II

39 8 0
                                    

Chapter II
Knowing Each Other

Naglalakad na ulit ako ng mapansin ko ang oras. Shit! Malalate na pala ako. Nang dahil sa ID ko na yun eh. Haynako.


Nagmamadali na akong maglakad upang umabot ako. Malapit na ako sa class ko ng makasalubong ko ang pinakamamahal kong kaibigang si Pierre.

"Uy Kay himala malalate ka na?
Sabi ko sayo tigilan mo na yang kaka stalk mo sa gabi. haha!"

Pabiro nyang sabi na may halong pagtataka. Usually kasi talaga maaga ako.

"Uy grabe 'to! baka may makarinig akalain nila totoo. "

Naiinis kong sabi.

"Bakit hindi ba totoo?"

Sabi nya habang ginugulo nya ang buhok ko at naglalakad.

"Hindi ah! saka wag mo nga guluhin buhok ko. Kumag ka talaga. haha"

Sabay gulo ko din ng buhok nya.

"Aish! Mamaya kwento mo sakin ha, Sige ingat."

Sabay liko nya sa corridor. Di na ako nakapag paalam sa kanya. Magkaiba kasi kami ng klase pero iisang university. Nandito na pala ako sa room di ko napansin.

Pagpasok ng klase ay bumungad sakin ang mga laging maingay kong kaklase sa kadahilanang wala pang prof. Lagi naman silang ganyan.

Dire diretso lang ako sa paglalakad patungo sa upuan ko. Pag upo ko ay tinabi ko ang bag ko. Sakto namang pasok ng prof at tahimik bigla.

Nagchecheck nanaman siya ng attendance. Saludo din ako dito eh, walang mintis ang sipag pati sa attendance walang pinapalampas.


*~~~
Author's Note:

Three dots ( ... ) means fast forward. Nakakatamad ilagay na *fastforward* so gumamit na lang ako ng iba. Yun lang. Enjoy reading!
*~~~

...

"Juan Dela Cruz?"

"Andito po!"

...

"May Griego?"

"Present mam"

"Kaira Jimenez?"

"Andito po mam."

Bona Fide InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon