Chapter XIV

15 6 0
                                    

Chapter XIV
Inception

Bumangon ako ng dahan dahan mula sa aking pagkakahiga. Hingal na hingal ako dahil sa masamang panaginip na iyon. Mabuti na lamang at isa lang iyong panaginip.

"Okay ka lang Kay?"

Pag aalala ni Pierre.
Tumingin ako sa orasan, 4am na pala. Medyo maaga aga kaming aalis kaya siguro nandito siya.

"Oo okay lang, di lang maganda ang panaginip ko."

Sabi ko sa kanya. Bumaba muna siya at ilang sandali ay may dala nang baso ng tubig. Ininom ko agad to at nagpaalam sa kanya na mag aayos na ako.

Agad akong pumasok ng banyo upang maligo. Pero habang naliligo ako ay naiisip ko pa din ang panaginip na iyon. Pero siguro wala lang iyon kaya di ko na inisip ulit.

Kumain kami ng almusal bago umalis. Habang nasa biyahe ay kinukulit ako ni Pierre na magpicture kami. Wala naman akong nagawa kaya pinagbigyan ko na.

Ilang oras pa ay nasa airport na kami. Nagpaalam agad kami sa magulang ni Pierre na siyang naghatid sa amin dito sa airport.

Naupo muna kami habang nag aantay sa flight namin. Ilang sandali ay dumating na ang mga kasama ni Pierre, kasama si Sir Rayvin.

Pinakilala ako isa isa ni Pierre sa lahat. Si Markus, president ng org nila, Si Angela, secretary nila, Si Gino, Dexter, at Justin mga staff, and lastly si Kit at Sammy sa editing.

Ilang sandali pa ay sumakay na kami ng eroplano. Katabi ko si Pierre at Sir Rayvin, ako sa pinakamalayo sa bintana.

Nakiusap naman ako kay Sir Rayvin na makipagpalit dahil gusto kong makita ang view at pumayag naman ito. Ilang sandali pa ay lumipad na ang eroplano.

"Wooooow, ang ganda ng langit oh, Pierre, Pierre! Picturan mo naman!"

Sabi ko sa kanya na mukhang natutulog at di ako pinapakinggan.

"Para kang bata dyan na first time na makasakay ng eroplano Kay."

Sabi naman ni Sir Rayvin dahil mukhang tulog nga si Pierre.

"Hala hindi ah! nakasakay na ako dati."

At tumahimik na lang ako. Baka mang asar nanaman to eh.

Di katagalan ay nakarating na din kami ng Palawan. Excited na excited ako kaya taeng tae akong bumaba.

Pagbaba ko ay inamoy ko ang hangin. Hello Palawan my loves!

Paglabas namin ng airport ay may nakaabang nang van sa amin. Sumakay agad kami at ilang sandali pa ay nasa baybayin na kami.

Bona Fide InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon