Chapter VII

23 7 0
                                    

Chapter VII
Beginning Of Eternal Friendship


Tumalon ako sa tubig. Ang lakas ng agos pero binabalewala ko lang iyon. Inaanod na ako ng sa lakas ng agos nang makakita ako ng puno ng saging na inaanod din.

Sinubukan kong lumapit doon para makakapit doon. Nang makakapit na ako ay hinahap ko si Kay. Ayun siya! Naunang inaanod ng tubig.

"Kay! Kumapit ka kahit saan para pag daan nito dyan hahatakin kita!"

Sigaw ko.

Nakita kong nagtaka siya kung bakit naroon din ako pero tumango na lang ito. Nang makakita siya ng malaking sanga sa gilid ng ilog ay kumapit siya ng mahigpit doon upang di siya anurin ng agos.

Nang malapit na ang puno ng saging sa kanya ay sumenyas akong lumipat siya rito. Pagtapat ng puno ng saging kung nasaan siya ay agad siyang humawak sa likod ko nang biglang ..

"Ahh Kaaay!"

Sigaw ko nang muntik na siyang makabitaw sa pagkakahawak sa likod ko. Buti na lang at nahawakan ko siya at hinila papalapit sa akin para kumapit sa puno.

Para kaming mga tangang nakakapit sa puno nang saging habang inaagos ito ng mabilis ng ilog. Wala kaming magawa kundi kumapit na lang dahil kung hindi ay baka malunod kami.

Nakatulog kami parehas. Di namin namalayang pagabi na pala. Paggising ko ay tulog pa din si Kay. Nasa isang tabi na kami parehas. Ano kaya ang nangyari?

Hirap na hirap ko siyang hinila hanggang doon sa may masisilungan. Napansin kong nilalamig siya sapagkat nanginginig siya. Nilapitan ko siya upang siguruhin ang kalagayan nya ng malaman kong nilalagnat siya. Hala!

Anong gagawin ko. Nasa gitna kami ng kawalan, Di ko alam kung saan banda ito. Madilim na. Bumalik na lang ako doon sa pinanggalingan namin dahil nakita kong nandun din yung puno ng saging.

Kumuha ako ng mga natitirang dahon ng saging doon at pinatuyo ko iyon. Bumalik ako sa pinagsisilungan namin at inilatag iyon. Binuhat ko si Kay upang ihiga doon.

Biglang tumunog ang tyan ko. Nagugutom na ako. Kaso hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pagkain. Kung minamalas malas ka nga naman oh.

Bigla na lamang bumuhos ang ulan. Mabuti na lamang at may nasisilungan kami. Mukhang dito kami magpapalipas ng gabi or baka dito kami magpalipas hanggat walang nakakakita sa amin.

Napansin kong mas lalong tumindi ang panginginig ni Kay. Mukhang dahil ito sa pagbuhos ng ulan. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya humiga na lang ako at niyakap ko sya at umaasang mababawasan ang hirap na nadarama nya.


"Bata, bata gising na."

Ahhhh. Sino ba yon? Napadilat ako ng mapansing umaga na pala. Bumungad sa akin ang isang lalakeng mukhang mas matanda sa akin, may dalang malaking bag, yung parang bag ng mga umaakyat sa bundok.

Bona Fide InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon