Chapter XVII
Almost There
"Huh? Bakit mo naman nasabi yun Dexter?"
Pagtataka ni Angela.
"Oo nga, kilala natin ang isa't isa kaya imposible yang sinasabi mo."
Pagpapaliwanag naman ni Gino.
"Oo nga, kilala natin ang mga tao sa bawat grupo natin."
Sabat naman ni Aaron.
"Osya oo na, sabi ko nga mali yung iniisip ko."
At tumahimik na lang si Dexter sa tabi.
Natahimik ang lahat. Nagmamasid masid ang bawat isa sa paligid. Baka bigla na lamang sumugod ulit nag kahina hinalang lalaki at mabawasan nanaman kami. Hindi na pwedeng mangyari ulit iyon.
"Huy Zack! kalalaking tao ikaw pa nauunang makatulog dyan!"
Pagpupuna ni Hannah.
"Ayy! Ayy. Sorry na. inaantok talaga ako eh."
Pagpapaliwanag naman nito.
"Osya samahan nyo muna ako uminon ng tubig, at yung ibang nauuhaw ay sumama sa akin."
Wika naman ni Aaron.
Tumayo si Markus, Dexter at Zack upang sumama sa kanila sa kusina upang uminom ng tubig.
"Yan tama yan ng magising gising ka naman Zack."
Pang aasar naman ni Jasper.
Sumandal muna ako sa likod ni Pierre para makapagpahinga ng kaunti. Nakakapagod itong hindi magandang mga pangyayari dito, sunod sunod pa ito.
"Huy? Ano nangyayari sayo?"
Pag aalalang tanong ni Markus.
Sinulyapan ko sila sa bandang kusina kung ano na ang mga kaganapan doon. Nakita kong nanginginig at tumitirik ang mata ni Dexter na tila ba may kung anong sumapi sa katawang tao nito.
