Chapter XVI

20 4 3
                                    

Chapter XVI
Unknown Culprit

Pagkasigaw na pagkasigaw ni Hiro ay nalaman din namin kung saan sila naroroon kaya agad agad kaming nagpunta sa kinaroroonan nila.

Laking gulat namin pagdating doon dahil nakabulagta ang isang katawan na mukhang katawan ni Hiro na naliligo sa sarili nyang dugo habang ang ulo nito ay wala na.

Isa namang lalaki na hindi namin maaninag ang mukha ang hawak si Mia ang isa ay nakahawak bibig nito at ang isa ay nakahawak sa patalim na nakatutok sa leeg ni Mia.

"Ahhhhhhhhhhhh!"

Sigaw ko pagkakita sa mga karumal dumal na pangyayaring iyon.

Agad naman kaming napansin ng lalaki kaya mabilis nitong tinarak sa leeg ni Mia ang patalim na hawak nito.

Agad agad naman itong tumakbo sa madilim na parte ng kakahuyan at bumagsak naman ang katawan ni Mia sa lupa.

Agad namang tumakbo si Pierre para habulin ang kahina hinalang lalaki habang ako naman ay naiwang nakatayo sa kinaroroonan nila.

"Ahhhhhhhhhhhh!"

Sigaw ko ulit. Parang di ko kakayanin kung ano ang nakikita ko kaya agad akong bumagsak dahil kanina pa nangangatog ang mga tuhod ko.

Pagbagsak ko ay agad akong napaiyak. Ano ba itong nangyayari. Pumunta lamang ako dito para suportahan ang kaibigan ko at magbakasyon pero ano tong nangyayari? Huhuhu.

Di kalaunan ay dumating ang iba naming kasama at nagulat din sa kanilang naabutan. Agad namang lumapit sa akin si Sir Rayvin.

"Kay? Ayos ka lang?"

Pag aalala nya. Pero bago pa ako makasagot ay nawalan na ako ng malay.

...

Idinilat ko ang mga mata ko. Tumayo ako ng kaunti para tingnan kung nasaan ako. Nandito pala ako sa rest house. Anong nangyari? Tumingin ako sa bintana ng mapansing gabi pa din pala.

Bigla kong naalala kung anong nangyari. Agad akong tumakbo sa lababo dahil parang nasusuka ako sa mga naalala ko.

Agad namang lumapit sa akin si Pierre habang hinihimas ang likod ko. Inabutan nya ako ng tubig.

"Ayos ka na?"

Pag tatanong niya.

"Uhhhh. Ayos na. Masakit lang ang ulo ko."

Agad naman siyang kumuha ng gamot para ipainom sakin at agad ko namang ininom ito pagkatapos ay bumalik na kami sa kwarto.

"Oh gising ka na pala Kay, kamusta na pakiramdam mo?"

Tanong sa akin ni Angela.

"Ayos na. Ayos na ako."

Bona Fide InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon