Chapter XI
Im YoursPanibagong umaga. As usual maaga nanaman akong nagising. Mag iinat inat muna at onting stretching, maliligo at mag aayos at mag aalmusal sa baba. Pagkatapos mag almusal ay aalis na ako.
"Ingat ka nak."
Sabi ng aking ina bago ako umalis. Ngumiti naman ako sa kanya bago ako umalis. Naglakad lakad ako onti papuntang sakayan. Pagsakay ko ng jeep at pagkaupo ko ay nagulat ako.
Si Sir Rayvin. Oo Si Rayvin. Umupo ako sa tabi niya dahil wala nang bakante. Pag upo ko ay napansin kong nakapikit siya habang naka earphones.
Tahimik lang akong nakaupo buong biyahe. May nagsasabi sa isip ko na kausapin ko sya o kung anuman, at may nagsasabi din na wag na lang. Nakakahiya din kasi eh. Kaya wala na lang akong nagawa kundi titigan siya.
"Titig ka ng titig sa akin eh hindi ka pa nagbabayad Kay. hahaha."
Nagulat ako ng magsalita siya.
"Ha? Eh, ha. hindi ah!"
Pagtatanggi ko. Nakakahiya. akala ko pa naman tulog siya.
Binawa ko agad ang pagkakatitig ko at kumuha ng pera sa coin purse ko para magbayad.
Napansin ko namang mahina siyang tumatawa doon.
Hanggang sa pagbaba ay suot suot niya ang nakakalokong ngiti niya. Jusko tuwang tuwa naman to si Rayvin.
"Haha joke lang Kay, baka naiinis ka na. Sige see you around na lang."
Sabi niya pagpasok namin ng university. Inirapan ko naman siya pero tumatawa pa din siya.
Wala naman kaming masyadong ginawa. usual na set up ng studyante. Pagkatapos ng klase ay lumabas ako ng makita ko si Sir Rayvin.
"Hey. Pwede ka bang mayayang lumabas?"
Seryoso niyang tanong.
Nagulat naman ako. Bigla bigla na lang magyayaya tong si Rayvin. Kaya ang nasabi ko na lang ay ..
"Ha? Bakit?"
Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko.
"Hmmm? Kelangan ba ng rason? well wala lang gusto lang kita makasama."Nag init naman ako sa sinabi niya. Di ko alam kung mahihiya ako o kung ano. Papayag ba ako? Pero kasi Professor siya dito sa univ eh.
