Chapter XIII
PremonitionsPanibagong umaga. Maaga ako sa pagpasok kaya tumambay muna ako at umupo sa bench upang magbasa basa. Kakasilip pa lang ni haring araw at kakaunti pa lang ang tao kaya medyo tahimik pa ang paligid.
Nang biglang nag ring ang phone ko.
*cellphone ringing*
Tinignan ko kung sino ang natawag. Oh, Si Pierre.
Dali dali ko namang sinagot iyon.
"Hello Pierre? oh bakit napatawag ka?"
Tanong ko sa kanya.
"Nasaan ka? May sasabihin ako sa iyo eh."
Sagot nya.
"Ahh. Nandito na sa school. Bakit?"
Pagtataka ko naman.
"Ahh sige antayin mo lang ako dyan. Papunta na din ako. Bye."
Sagot naman nya. Ano kaya meron?
"Ha? Sige bye."
Pagtataka ko. Binaba na nya ang tawag.
Ano ba meron? Bakit kaya napatawag yun? Habang busy ako sa pag iisip ay di ko namalayan na nasa harap ko na pala siya.
"Uyy. Kay. Tulala ka dyan?"
Nagulat naman ako.
"Wag ka namang bigla biglang sumusulpot sa harap ko. Ano nga pala sasabihin mo?"
Tanong ko sa kanya.
"May trip kasi kami, isasama sana kita, ilang araw lang naman eh."
Pagpapaliwanag nya.
"Papaalam na lang kita kay tita, mga staff lang naman ng org namin pati ibang prof ang kasama, pwede naman daw magsama kaya sasama sana kita tagapalakpak ko. haha."