Chapter XII
A Day With You
"Di ko alam na ganyan ka pala ha"
Seryoso niyang sabi.
"HAAAA?"
Yun na lang ang nasabi ko.
"Na kumakain ka pala sa Resto."
Sabay tawa nya. Ano namang nakakatawa? Pshhh.
"Alam mo Sir, Kanina ka pa nang aasar. Pangit mo na ngang kumanta ganyan ka pa."
Bawi bawi lang. Ha!
"Ay ganon pala yon? Pag pangit kumanta eh tititigan mo na ako buong pagkanta ko?"
Mukhang nang aasar nanaman to.
"Joke lang. sorry na. haha. Pero dapat yayayain sana kitang kumain dito, sa kaibigan ko kasi tong resto na to."
Pagpapaliwanag niya.
"Saka yon, gusto ko lang marinig mo akong kumanta. Ayos naman ba?"
Dagdag pa nya.
"Oo naman Sir Rayvin! Maganda naman Kay diba?"
Biglang sagot ni Pierre na kakatapos lang mag banyo.
"Ahhh. Oo."
Sagot ko naman.
"Uhmm Pierre, pwedeng mauna ka nang umuwi, may dadaanan lang ako."
Sabi ko kay Pierre.
"Ay ganon? Sige sige. Bye ingat ka."
At umalis naman kaagad ito.
"Oh bakit po pinauwi agad yung kaibigan mo?"
