Chapter X

26 6 2
                                    

Chapter X
You'll Always Be Remembered

May mga bagay talagang mahirap intindihin. Kung bakit ang mga mabubuti ang naghihirap, at ang masasama ang nagpapasarap. Kung bakit mas unang nawawala sa mundo ang tulad niya, na di hamak namang mas deserve niyang mabuhay kesa sa iba.

Na kung bakit kung kelan wala na siya, doon pa narerealize ang kahalagahan niya. Masakit diba? Laging nasa huli ang pagsisisi.


Pinunasan ko ang mga luha ko. Kailangan kong maging malakas para sa bagong kaibigan ko. Kaibigang kay bilis nawala, pero kahit nawala siya, di sya nawawala dito, dito sa puso ko.

Sinulyapan ko sa huling sandali ang kuwarto niya at bumaba ako kaagad. Nakaabang naman sakin si Pierre pagbaba ako at agad akong sinalubong.

"Okay ka lang? Okay lang umiyak. Nandito lang ako."

Niyakap ko siya ng mahigpit. Ayoko na mawalan pa ng kaibigan. Lalong lalo na ang lalaking ito. Hindi. Hinding hindi mangyayari yun.

Nagpaalam na kami sa mga magulang ni Tristan at umalis kami. Pagdating ng bahay ay nagpaalam na din ako kay Pierre.

"Salamat sa paghatid. Ingat ka."

At nagsimula na siyang maglakad habang kumakaway patalikod.

Di muna ako pumasok ng bahay namin. Naglakad lakad muna ako upang mag muni muni.

Di ko namalayan ay nakarating na ako sa isang parke, wala na masyadong tao ng mga oras na yun. Umupo ako sa isa sa mga upuan dun at pumikit.

Ang bilis lang ng mga pangyayari, parang di ko kayang tanggapin. Pero life must go on ika nga. Wala na tayong magagawa tungkol dun.

"Kung sino man yang iniisip mo, ayaw ka niyang nalulungkot ngayon."

Nagulat ako ng may nagsalita. Idinilat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin si.. Oo si Mike.

"Nagkita nanaman tayo, at malungkot ka nanaman. Sabi ko sayo dapat nakangiti ka lang diba?"

Sabay abot niya sa akin ng dala niyang inumin. Napangiti na lang ako bigla.

"Bigla bigla ka na lang sumusulpot, may lahi ka bang kabute Mike?"

Pagbibiro ko.

"Haha. Di naman, medyo lang. Napadaan lang ako at pabalik na din ako dapat ng ospital."

Bona Fide InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon