Chapter IV

37 8 4
                                    

Chapter IV
Everything Will Be Alright

Napasigaw na lang din ako bigla. Nakita kong dumudugo ang tagiliran ni Sir Rayvin. Sinaksak sya nung lalake ng di namin namamalayang dalawa.

"Sir .. Andaming .. dugo. Ahhh Sir!"

Napasigaw nanaman ako ng makita kong bumubwelo nanaman yung lalaki. Akmang sasaksakin na niya si Sir Rayvin pero naunahan niya ito ng sipa sabay suntok sa mukha at parehas silang bumulagta.

Andaming dugo. Natatakot na ako. Sakto naman ay may mga napadaang mga tanod at agad akong humingi ng tulong sa kanila.

"Kuya ! Kuya ! Huhuhu. tulungan nyo po kami."

Sabi ko habang umiiyak. Agad naman nilang dinampot yung lalaki at yung isa naman ay tumawag ng ambulansya habang ako ay di alam ang gagawin at iyak lang ng iyak.

"Sir .. huhuhu. Kaya mo yan .. Kasalanan ko po ito eh. huhu. Kung binigay ko lang sana yung .."

Bigla nyang tinaas ang kamay nya upang pigilin ako sa pagsasalita.

"Shh .. Walang may kasalanan .. dito .. uhhh .. "

Hirap na hirap nyang sabi. Agad namang dumating ang isang tanod upang bigyan ng pang unang lunas habang parating pa lang ang ambulansya.

"Wag na po kayong magsalita sir .. Parating na din po ang ambulansya."

Sabi ko habang iyak pa din ng iyak.
Bigla na lang pumikit si Sir Rayvin at bumagsak ang ulo.

"Sir ?! Sir ? Siiiiiir !"

Sigaw ko.

Daglian namang lumapit ang tanod na nagbigay ng paunang lunas upang tignan ang kalagayan niya.

"Nawalan lang po ng malay."

Sabi ng tanod.

Hayy. Akala ko naman. At sa ilang minuto pa ay dumating na ang ambulansya at isinakay nila si Sir Rayvin.

Sumama din ako at hindi pa din matigil ang iyak ko. Wala akong ibang gusto ngayon kundi ang maging okay lang si siya. Ilang sandali pa ay nakarating na din kami sa hospital.

Agad siyang nilipat at idiniretso sa Emergency Room habang ako ay walang magawa at napatingin na lang sa kanya.

"Uhh. huhuhu. magiging okay din ang lahat, Rayvin."

Bona Fide InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon