Chapter XVIII
Revelations"Well. Well Well.. Tama ka dyan."
Sabi ng isang boses mula sa likod namin.
Nagulat kami kung sino ang nagsalita. Nakasandal ito sa puno at nagsimulang maglakad papunta sa amin.
"Mmm.. M.. Mm.."
Nanginginig nginig pa si Sammy habang di nya matuloy tuloy ang pagsabi ng pangalan nito.
"Maaarkus?!"
Gulat na gulat si Sammy pati na din ang iba ng makita namin itong papalapit sa amin na may dalang baril.
Agad agad namang tumakbo si Zack na galit galit sa direksyon kung nasaan si Markus.
"Walang hiyaaaa kaaa!"
Pero bago pa ito makarating kay Markus ay may umalingawngaw ang malakas na tunog ng baril at bumulagta agad ito.
"Ahhhhhh!"
Sabay na sigaw ni Hannah at Faye at agad lumapit ang dalawa sa nakahigang si Zack sa sahig habang nag aagaw buhay.
Agad namang lumabas ang dalawang kahina hinalang lalaki sa likod kung saan din nanggaling si Markus.
"Magaling Jayjay at Jayson."
Pagpupuri ni Markus sa dalawa.
"Anong ibig sabihin nito?!"
Sigaw ni Pierre sa kanila.
"Oh bakit parang gulat na gulat kayo? sabagay napahanga ko ba kayo? Hindi nyo siguro alam na dati akong magaling na aktor sa teatro?"
Sabay tawa nito.
"Teka .. naaalala ko 'tong dalawang to! Sila yung napatalsik sa org natin dahil sa mga kagaguhang ginagawa nila!"
Sigaw naman ni Gino.
"At kasalanan mo yun Pierre."
Wika nung lalakeng tinawag ni Markus sa pangalang Jayjay.
Nagulat naman kami ng itinapat nito ang baril niya kay Pierre at pinaputok ito."Ahhhh!"
Sigaw ni Pierre pagkatama ng bala sa kanyang hita. Agad itong napaupo sa damuhan at iniinda ang sakit ng kanyang binti.
