Chapter VIII
Taken For Granted"Girlfriend ko."
Sabi ni Rayvin.
Ahh. Girlfriend lang pala. Teka ano Girlfriend?! Si Aria?!
"Ex-Girlfriend Rayvin. Ex."
Pagtatama ni Aria.
Hay. Akala ko. Kalma lang Kay kalma! bakit ba parang ang oa ko dun? Ano kung girlfriend o Ex ni sir si Aria?
Wala naman akong kinalaman sa kanilang dalawa. Jusko."Eto naman, kailangan pang ipamukha."
Sabay hawak sa bandang dibdib ni Rayvin na kunwari ay nasasaktan.
Nagtawanan naman kaming lahat. Nang bigla kong mapansin na nakatayo si Pierre sa pinto."Ohh Pierre kanina ka pa dyan? Pasok ka pasok ka."
Tanong ko sa kanya.
"Ahh hindi. kakarating ko lang."
Sagot nya na tila pagod na pagod sya.
Umupo siya sa tabi ko. Nagkwentuhan kaming apat hanggang sa di na lang namin namalayan ang oras. Pagabi na din pala. Agad na kaming nagpaalam sa kanila at sabay na kami ni Pierre umuwi.
Kinaumagahan ay maaga akong pumasok. Kamusta na kaya si Rayvin? Sana makapasok na sya. Ay Kay jusko bakit siya nanaman ang iniisip mo. Focus focus focus lang.
Nang papasok na ako ng room ay napansin ko nanamang nagkukumpulan sila doon sa isang tabi. Ahh si Tristan nanaman, madami nanamang nagpapagawa sa kanya.
Kaunting sandali pa ay nagsi alisan din ang mga tao sa paligid nya.
Bago ako dumiretso sa upuan ko ay dumaan muna ako sa kanya."Tristan!"
Tawag ko sabay lapit sa kanya.
"Hindi ka ba napapagod?"
Dagdag ko.
"Napapagod din siyempre. Tao lang naman tayong lahat eh."
Malumanay nyang tugon.
"Ehh bakit tinutulungan mo pa din sila? Wala ka din namang napapala. Mabuti kung nagpapabayad ka."
Usisa ko pa.
"Di mo kasi naiintindihan Kay."