Chapter VI
Diggin' DeeperNaglalakad lakad lang ako dito sa labas ng hospital. Nagpapahangin muna ako bago ako umuwi ng bahay.
Masarap talaga ang simoy ng hangin pag umaga.Napansin kong may lalaking nakatayo sa di kalayuan. Parang naaalala ko siya. Tama, siya yung tumulong noong mawalan ng malay si Kay.
Nilapitan ko sya."Ahh .. Mike? Salamat nga pala ulit sa ginawa mo. "
Medyo nagulat sya sa biglang pagsasalita ko. Napansin kong may kasama pala siya. Isang babaeng nakaupo sa wheelchair. Hindi ko ito nakita sa malayong tingin.
"Ay. Ikaw yung kaibigan ni Kay diba? Wala yun. Ikaw din naman ganun ang gagawin mo. Ano nga ulit ang pangalan mo?"
Ngiti nya sakin habang nakahawak sya ng mahigpit sa hawakan ng wheelchair. Napansin kong tulog yung babae. At mukhang nanghihina.
Pero mukhang bata pa. Mga kaedad lang siguro namin o mas bata pa."Pierre. Pierre Gustavo. Hmm. sya ba yung bestfriend mo?"
Pag uusisa ko.
"Ahh oo. Gusto muna kasi ni Naomi magpahangin dito sa hardin bago siya operahan. kaya sinamahan ko."
Biglang naging malungkot ang mukha.
"Bro. Magiging din ang kaibigan mo. Magiging okay din si Naomi. Magiging okay din lahat. Ikaw daw may sabi sa kanya nyan diba? Sige mauna na ako."
Ngumiti lang siya. Kumaway na lang ako para magpaalam at umalis din ako. Dumiretso ako sa Parking Area at sumakay ng kotse ko.
Pagdating ko sa bahay ay humiga muna ako. Nakakapagod. Buong araw akong walang tulog para bantayan yung kaibigan kong kumag. haha kiddin' aside, mahal na mahal ko yung kaibigan kong yun.
Oy baka kung ano na ang iniisip nyo ha? Mahal bilang kaibigan. Bata pa lamang kami magkaibigan na kami e. Kilalang kilala na nya ako at kilalang kilala ko na sya.
Baka nagtataka kayo kung bakit biglang ako na ang nagsasalita. Bakit bawal ba akong magka moment?
Yung Mike nga na yun meron eh, syempre di ako patatalo. haha!Siguro paulit ulit na ito. Pero uulitin ko pa din, Para di niyo ako makalimutan. Pierre Gustavo ang inyong lingkod. Mula ako sa marangyang pamilya, pero kahit na ganun ay gusto ko lang ng simple. Kayo din naman diba?
![](https://img.wattpad.com/cover/65437256-288-k938421.jpg)