Chapter V
Illusions
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Si Sir Rayvin na kakakakilala ko pa lang ay namatay dahil sa pagliligtas sa akin. Paano ko iiwasang hindi sisihin ang sarili ko sa pangyayaring ito?
"Pasensya na po talaga. Sige po mauna na ako at madami pa akong aasikasuhin."
Sabi ng doktor at umalis din ito.
Nanlumo ako. Para bang nawalan ako ng lakas. Hindi 'to pwedeng mangyari. Sir Rayvin. Huhuhu. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala hanggang sa ..
Hanggang sa napadilat na lang ako. Uhh bakit parang ang sakit ng ulo ko. Pagtingin ko ay nasa hospital bed na ako. May mga nakakabit nang mga kung ano anong aparato sa akin.
Pagtingin ko naman sa kabilang dako ay nakita ko si Mama na tulog na tulog. At nakita kong tulog din sa upuan si Pierre. Mukhang pagod na pagod sila.
Bigla na lamang nagising si Pierre.
"Oh Kay wag ka muna tumayo, magpahinga ka muna ng mabuti."
Pag aalala nya.
"Uhh. Anong nangyari? Bakit ako nandito? Si Sir Rayvin? Anong nangyari sa kanya?"
Sunod sunod kong tanong sa kanya.
"Nahimatay ka daw, dinala ka ng isang lalake dito, Si ano .. Mike daw ang pangalan nya. Si Sir Rayvin stable na sya at nagpapahinga lang."
Sabi nya.
Stable? so hindi sya namatay? Nanaginip lang ba ako? Pero ..
Si Mike! Ang gulo. Wala na akong maintindihan sa mga nangyayari."Uhhhhhh. ang sakit ng ulo ko."
Sabi ko sabay himas sa ulo ko.
"Magpahinga ka muna Kay, kailangan mong magpalakas."
Tugon nya.
"Sige. Matutulog muna ako. "
Sabay talikod ko. Tama. Matutulog muna ako. Hindi muna ako mag iisip ngayon. Unti unting pumikit ang mga mata ko.
...