Chapter IX

44 7 2
                                        

Chapter IX
It's Too Late Now

"Bakit? Anong nangyari sa kanya?"

Pagpapanic ko.

Di makatingin ng diretso sa akin yung kaklase ko. Hindi ko alam ang nangyayari. Ano bang meron? Anong nangyari kay Tristan?

Bigla na lamang dumating si Pierre.

"Tara Kay, sumama ka sa akin."

Ano bang meron?

"Paano yung klase ko? Wait? Ano ba talaga ang nangyayari?"

Hindi sya nagsalita. Hinawakan na lang nya ang kamay ko at sumama na lang ako sa kanya. Hindi na ako nakapasok sa klase ko.

Paglabas namin ng university ay may nakaabang na sasakyan doon. Teka teka.. Kotse 'to ni Tristan! Oo. Naalala ko kahapon. Agad kaming sumakay doon at pinaandar agad ng driver.

Ano ba talagang meron? Iinform nyo naman ako oh. Kinakabahan na ako sa inyo e. Ilang sandali pa ay huminto kami sa isang bahay. O sabihin na nating mansion. Oo. Napakalaki.

Agad agad kaming pumasok, papalakad pa lang kami ay natanaw ko nang napakadaming tao. Bawat hakbang ay palakas ng palakas ang tibok ng puso ko.

Nang nakapasok na kami at makita ko ang isang kabaong na nakapatong ang litrato ni Tristan ay nadurog ang puso ko.

Agad agad akong tumakbo. Tumakbo ako na para bang walang pake sa mga tao sa paligid. Kahit isang araw ko lamang sya nakasama, malaking bagay na iyon.

"Tristaaaaaaan! Bakit?!"

Sabay iyak ko. Iyak ako ng iyak. Di ako makapaniwala. Kung sino pa yung mabait siya pa agad yung kinuha. Bakit ganun? Napakaunfair.

"Stage 4, cancer sa utak."

Nasa likod ko na pala ang mga magulang niya.

"Sakto ilang sandali lang pag uwi nya kagabi, inatake siya. Isinugod agad siya ng mga kasambahay namin sa ospital dahil wala kami dito ng mga panahong iyon."

Sabay iyak ng nanay nya.

"Pagdating namin ng hospital ay hinang hina sya. Pero isa lang ang napansin ko, masaya siya. Masayang masaya. "

Dagdag naman ng tatay nya.

"At ilang sandali pa, nagpaalam na siya, hindi na daw nya kaya, sino naman kami para pigilin siya."

Bona Fide InloveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon