HMW Chapter 1: Broken Vows

351K 4.8K 268
                                    

Farah Nathalie Villanueva's POV

"Chris, Saan ka na naman ba nangaling? It's already 2:30 a.m." mahinahong tanong ko sa kanya pagkauwi niya.

Inaantok na ako pero pinipilit ko pa ring magising para lang hintayin siya. Lumapit naman ako sa kanya at tinulungan siyang hubarin ang coat niya.

Nakita ko ang pandidiri sa mga mata niya. I sighed, keeping my thoughts away.

"Kumain ka na ba? Saan ka ba kase galing?" Tanong ko ulit pero wala pa rin akong nakuhang sagot mula sa kanya.

"Chris nagluto ako para sa'yo. Ipaghahanda kita?" Alam ko na tatangihan niya lang ang luto ko pero nagbabakasakali pa rin ako.

"Throw it, nagsasayang ka lang ng pagkain" Saka niya ako tinalikuran at umakyat na sa kwarto niya.

Para namang biniyak ang puso ko sa pakikitungo niya. I wipe my tears away.

Hindi naman ito ang unang beses na nakitungo siya sa'kin ng ganon. Pero ewan ko ba pabalik-balik lang din ang sakit pero hindi pa rin ako nadadala.

Nilinis ko na lang ang mesa at itinago ang mga luto ko sa ref nagbabakasakaling baka kumain siya kapag tulog na ako.

Matapos kong linisin ang dapat kong linisin ay nagtungo na ako sa silid ko. Ang maid's quarter. Simula nang maikasal kami ay dito na ako natutulog palagi. Wala naman siyang maid dito kaya dito na lang ako. Maliit lang ang silid at simple.

We're two years married and almost three pero sa dalawang taon na 'yon wala akong naramdaman mula sa kanya. Uuwi lang siya kung kailan niya gusto. Para akong di nag-e-exist sa bahay na'to at mas lalo na sa buhay niya. Kapag uuwi siya may dala pa siyang babae at kung wala man ay amoy alak o amoy babae siya. Saka nag-e-exist lang nga siguro ako sa kanya kung kailangan naming magpangap sa harap ng maraming tao na may alam ng relasyon namin o di kaya sa panahong may pangangailangan siya.

Anak? Siguro nga sasaya kami kung natutuloy lang ang pagbubuntis ko pero, hindi eh. I suffered two misscarriages. Nung una nawala sa'kin dahil di ko alam, It was my first semester, Busy kase akong asikasuhin yung mga bagay sa kompanya ni dad nung mga panahong yun, Di ko alam na nagdadalang tao na pala ako, at do'n ko lang nalaman nang magising ako sa hospital. Simula 'non tumigil nako sa pagtatarabaho sa kompanya ni dad, Its his decision back then, at pumayag din naman ako. The second one is when we fought, Galing kami sa party 'non but then nagalit siya dahil nakikipag-usap ako sa iba. I know I am pregnant that time at sasabihin ko sana sa kanya pero inunahan ako ng pag-aaway namin. I chose to fight him too pero ako lang din yung nasaktan sa huli. I cried my heart out, lahat ng sakit iniyak ko gaya ng ginagawa ko palagi pero... kung alam ko lang na dun din pala hahantong ang iyak ko, Sana di ko na lang ginawa. I lost my baby that night.

Paulit-ulit na tinawag ko siya pero wala, Di siya dumating, I was left with no choice kundi ang dalhin ang sarili ko sa hospital. Trying to save my baby's life pero hindi, I failed. Mas lalong sumakit ang puson ko dahilan para lumabo ang paningin ko at mabanga ang sasakyang minamaneho ko. From then natatakot na'kong mag drive.

Sa dalawang pagkakataon na yun na kailangan ko siya ay wala siya sa tabi ko. I heard nothing from him at wala ring nagbago sa pakikitungo niya. I suffered depression pero pinili kong labanan iyon ng mag-isa.

Pagkapasok ko ay agad akong nagtungo sa banyo. I opened the shower at hinayaan ang malamig na tubig na dumaloy sa katawan ko. And again kasabay ng mga tubig na iyon, tumulo ang mga luha ko.

Matatapos din ang lahat ng 'to.

***

Alas Singko pa lang ng umaga pero gising na ako, Pagod ang mga mata ko dahil kulang ako sa tulog pero pinili ko pa rin ang gumising. Gusto ko siyang pagsilbihan. Ayokong pumalya bilang asawa niya.

Agad na akong nagluto at saka inihanda ang mga dapat ihanda. Maya-maya kase ay alam kong baba-ba na rin siya.

7:30 in the morning at lahat ay nakahanda na ang kakainin niya, ang kape, ang case niya, yung sapatos, at lahat na. sakto namang mga ilang minuto ang lumipas ay bumaba na siya.

Kahit kailan ang gwapo niya talagang tingnan. He's a living adones, walang duda na lahat ng babaeng gugustuhin niya ay nakukuha niya sa itsura pa lang niya, pero maliban sa kanya.

Isinuot na niya ang sapatos at saka naglakad patungo sa pinto.

"Chris, di ka ba kakain?" napahinto naman siya sa tanong ko.

"No" Saka siya nagalakad ulit papunta sa pinto. Agad ko nanan siyang hinarang dala ang pagkaing hinanda ko.

"Pero Chris, nagluto ako para sa'yo. Can you please even taste it? Kung di mo naman gusto, magluluto ako ng ba---" napa-atras naman ako nang iwaksi niya ang pagkaing nasa kamay ko dahilan para mabasag ang plato.

"I told you to stop it and that you're just wasting the food. Di ka ba matuto-tuto!?HA!? Now you're wasting my time." He glares at me. Napayuko naman ako at napa-atras. Dahilan para matapakan ko ang bubog ng di sadya.

"F*ck! You're always a waste of time, Such a b*tch" Saka siya umalis ng tuluyan.

Trinaydor naman agad ako ng mga mata ko at agad na bumuhos ang mga luha ko. Di dahil sa sakit ng sugat sa paa ko kundi sa sakit dito sa dib-dib ko. Yung sakit na kailanma'y di ko magawang pigilan.

Ang sakit...

Para akong paulit-ulit na biniyak...

Hangang kailan ba tayo nagiging ganito Chris? Hangang kailan? Bakit ba di mo'ko kayang mahalin tulad nang pagmamahal mo sa kanya? Bakit siya pa Chris? Bakit siya pa?

Akala ko sa oras na ikakasal tayo, magiging masaya tayong dalawa. Kahit alam ko na iba ang mahal mo akala ko matuto rin ang puso mong tingnan ako pero...

Does all your vows were meant to be broken, Chris? If that's it can you please even tell me how to unlove you?

Cause I really don't know how.

It hurts a lot but my heart always betrays me to stop loving you.

-To Be Continue-

P.S. This is an edited version of HMW. Medyo maraming magbabago pero nakastay pa rin naman ang Plot. Tatangalin ko lang yung mga di importante at talagang iikot ko na ang story sa buhay nila Chris and Nathalie. Forgive me on my mistakes sa original version nito.

-nazi

His Martyr Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon