HMW Chapter 51: Manila

137K 1.8K 73
                                    

HMW Chapter 51: Manila

Nath's POV

"O ano kumusta ka naman? Bakit ngayon ka lang nakipagkita ha!? Nathalie?" Salubong sa'kin ni Kris, nabaling tuloy sa'min ang mga mata ng mga kumakain sa cafè ni Nics.

Umupo naman kami at saka ko siya pinatahimik.

"Teka nga umupo ka muna. Kung makasigaw ka kase." Inirapan niya naman ako.

"Psh. Ako pa talaga pinagalitan mo ha.Syempre naman kase nag-aalala ako sa'yong bruha ka. Ikaw kaya nandito sa posisyon ko!? Bigla-bigla ka na lang tatawagan ng gagong ex husband ng kaibigan mo tas sasabihing nasa kanya ang kaibigan mo? Sige nga!? Pa'no ako di sisigaw niyan?" Mahabang litanya niya at saka sumipsip sa frappe niya.

"Hayy... Oo na. May kasalanan na ako kaya sorry na, wag ka nang maglitanya diyan." Sabi ko na lang.

"Tss. Para namang matitiis kita? O siya siya. Ano na nga bang nangyari?" Agad na tanong niya. Napailing na lang ako at saka ikinwento sa kanya ang lahat ng nangyari sa Palawan.

"T-teka? So ibig mong sabihin nagkabalikan na kayo ulit!?" Naguguluhang tanong niya. Ngumiti naman ako at saka tumango sa kanya.

"S-seryoso?" Tumango lang ako ulit.

"Aray! Para sa'n naman yun?" Tanong ko habang himas-himas ang noo kong sinapak niya.

"Para sa katangahan mo!? Bakit mo naman binigyan ng chance ang lalaking yun!? Di kapa ba nadala sa ginawa niya noon sa'yo ha Nath!? Muntik ka na ngang mamatay sa sakit nung nasa kamay ka pa ng gagong yun eh" napayuko na lang ako sa sinabi ni Kris. Akala ko kase matutuwa siya sa sasabihin ko.

"Eh kase naman Kris... N-nararamdaman ko namang sincere siya sa lahat ng sinabi niya. Didn't you heard what I said a while ago? Ang daming mga bagay na ginagawa na niya ngayon na di niya ginawa noon. Kris kahit pa naman kase anong gawin ko mahal ko pa rin siya at di ko yun matago-tago yun sa puso ko." Saad ko sa kanya.

"Nath kase... Paano kung lokohin ka niya ulit or might as well baka niloloko ka lang niya ngayon. Paano kung may habol lang siya sa'yo? Nath sana kase pinagana mo muna ang isip mo. Alam mo namang mautak yang Lee na yan diba? Nath please kahit ngayon lang isipin mo muna ang sarili mo." Ewan pero naiinis ako sa sinabi ni Kris. Bakit ba kase ayaw niyang tingnan yung ngayon?

"Kris... I love Christian so much and I did use my brain before having this decision. Kris. Sana maintindihan mo ako. Mahal ko yung tao at nakikita ko kung paano niya ako pahalagahan ngayon. I don't want to miss this chance to have a happy and complete family" saka ko hinawakan ang kamay niyang nasa ibabaw ng mesa.

"Please Kris... Please support me on this. May anak kami ni Chris, Nics. At nararamdaman ko ang alaga niya ngayon, it isn't too late to try again, right? Saka siguro naman sapat na ang rason na magkakapamilya na kami, para balikan ko siya. This will make me happy Nics, lalo na kung susuportahan mo ako. Sana talaga. Sana talaga ay makita ni Kris lahat ng nakikita ko kay Vernon ngayon. I heard her heave a sigh.

"Okay... Kahit naman anong sabihin ko ay hindi ka makikinig, ano pa nga bang magagawa ko? Mahirap nga namang kalabanin ang puso. Basta... Sana nga lang ay di ka magsisi sa lahat ng desisyong ginawa mo Nath. I just hope that you'll stay happy for the rest of your life." Di ko naman mapigilang yakapin si Kris.

"Thank you Kris. I know you truly are my friend." She just smile and hug me back.

Kumalas naman kami sa yakap ng isa't- isa at saka nagtawanan.

"Teka, di naman pwedeng matapos ang araw na'to nang hindi ka nagkwekwento 'no, O kayo ni Jace kumusta?" Nakita ko namang napilitan siyang ngumiti.

His Martyr Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon