HMW Chapter 20: Small World.
Nico's POV.
"Nath..." Tawag ko kay Nathalie. Andito kami ngayon sa kwarto ni Nica.
Kami lang dalawa ngayon kase lumabas muna si Nica."Are you serious about it?" I asked. Tiningnan muna niya ako sandali at saka siya bumuntong hininga ng malalim. At saka siya naglakad patungo sa balcon nitong room. Sinundan ko naman siya.
"I'm serious about this, Nic. Kung hindi man 'to gagana at least magkaroon man lang ako ng chance para ipakita sa kanya na mahal na mahal ko siya. Tutuparin ko ang pangako ko sa inyo at sa sarili ko, After that aalis na ako. I'll let him go." She said. Napabuntong hininga na lang ako.
Kaibigan ko si Nath, alam kong bakla ako pero mahal ko si Nath at di ko siya kayang makitang ganito. Mahal ko ang kaibigan ko at ayaw na ayaw ko silang nasasaktan.
"Nath paano kung sasaktan ka niya ulit?" Nag-aalalang tanong ko. Ngumiti naman siya.
"Parte ng pagmamahal ang sakit, Nic." She said.
"I mean physically, Nath. Paano kung umabot sa punto na saktan ka niya? Bugbugin?" Nag-aalalang tanong ko ulit.
"Wag kang mag-alala. Di ko hahayaan yun, Nic. Sapat na sa'kin ang pagtitiis sa mga pananakit niya sa'kin emotionally noon." Wala na akong nagawa kundi ang yakapin si Nathalie.
"We're just here, Nath" I whispered.
Mahalaga ka sa'min Nath. We will gonna protect you to the best that we can do. Pro-protektahan ka namin sa mga taong may tangka sa buhay mo. Nagkamali si tito ng lalaking napili para ipagkatiwala ka, Nath.
That's why we're here. Mali ang minahal mo siya. Pero nangyari na ang nangyari, all we can do is to protect you...
Nathalie's POV.
"Sali naman ako sa yakapan niyo mga bruha. Haha" napatingin naman kami ni Nics sa kakarating lang na si Kris. Natawa naman kami at saka siya sinali sa yakapan.
"Good luck sa'yo bruha. Basta tandaan mo nandito lang kami." Nakangiting saad ni Kris pagka-kalas namin sa yakap ng isa't-isa.
"Ay wait, heto na yung dress na kinuha ko para sa'yo." Saka niya pinakita sakin ang isang knee-length fitted dress. Simple lang naman siya at kulay black rin.
"Ay bonga siya bruha!" Commento ni Nic.
"Pero Kris masyado naman yata tung maganda at saka mahal." Saad ko. Kahit na kase kaibigan ko si Kris di din naman ako nagte-take advantage dun.
"Ano ka ba! I want you to wear this. At saka Nath, nakapagpa- appointment na ako dun sa abogadong sinasabi ni Sam na abogado rin ng daddy mo" napayakap na lang ako kay Kris.
"Thank you. Salamat kase nagkaroon ako ng mga kaibigang tulad niyo." Saad ko. Natawa na lang kami dahil sa sobrang drama namin.
"O bruha! Mag ayos na kayo. Ako na bahala sa make-over niyo" natawa naman kami sa sinabi ni Nic.
***
Veronica's POV.
"O, tara na baba na tayo?" Saad ni Nic. Naku 'tong baklang 'to.
"Wait lang. Isusuot ko muna 'to" I said at saka tina-try na isuot yung kwintas.
"Ako na." Saad ni Nic kaya hinayaan ko naman.
"Ang ganda mo, Kris" Nic said. Kaya napalingo ako sa kanya na sana hindi ko na lang pala ginawa. A-Ang lapit kase ng mukha namin.
"Ay hala! My gosh! Hahahaha Nico, Nagbalik-loob ka na pala" agad naman kaming nabalik sa realidad. Shet! Ba't ang lakas ng tama ng baklang 'to.
BINABASA MO ANG
His Martyr Wife [COMPLETED]
RomansaWife series#2:His Martyr Wife "The Love Endurance" Christian Vernon Lee and Farah Nathalie Villanueva story *** We're Married. But it is not his intention. I am his wife. But nothing changed. He's my Husband. But he acts like an Asshole. We have sex...