HMW Chapter48: New Life? (New Beginning)
Nath's POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Bahagya pa akong napapikit nang maramdaman ko ang silaw ng liwanag sa mukha ko.
Bahagya kong kinusot ang aking mga mata saka sana ako tatayo nang maramdaman ko ang mabigat na brasong nakayakap sa'kin kaya naman ay di na lang ako tumuloy sa pagtayo.
Dahan-dahan naman akong humarap sa kanya at saka inayos ang kumot na siyang tanging bumabalot sa'ming dalawa.
Di ko naman mapigilan ang mapangiti nang maalala ko lahat ng mga nangyari noong nakaraang lingo.
Isang lingo na kase simula nung na-stuck kami sa gitna ng botanical area ng Isla na yun. At isang lingo na rin simula nung sabihin niya ang mga salitang di ko inaasahang lalabas mula sa mga labi niya.
Di ko naman mapigilan ang sarili kong haplosin ang mukha niyang mahimbing na natutulog. Bawat angulo ng mukha niya ay kinakabisado ko.
Ewan pero gusto ko talagang gawin 'to eh, matagal na. Kasi naman bibihira ko lang makita ang mukha niya nang malapitan at saka gustong-gusto ko rin mapagmasdan ang mukha niya na hindi naka kunot-noo, at saka hindi galit.
Kase naman noong mga panahon na magkasama kami noon ay palagi na lang siyang malamig, galit, at naka kunot-noo kung tumingin sa'kin. Saka di ko din siya matingnan nang matagal kase talagang nakakatakot yung hitsura niya.
At saka ayaw niya din namang tingnan ko siya, kase kapag nahuhuli niya akong tumitingin sa kanya ay bibigyan niya lang ako nang matatalim na tingin.
Napangiti na lang ako habang dina-digest nang utak ko ang kagwapuhang taglay niya. Mula sa makapal niyang kilay hangang sa matangos niyang ilong at isama mo pa ang mapula niyang labi. Tss minsan tuloy nakaka-insecure yung kagwapuhan niya, eh kase minsan naiisip ko na kung babae lang si Chris ay talagang mas maganda pa siya sa'kin.
Mas lalo naman akong napangiti nang maalala ko ang mga nangyari noong nakaraang lingo simula nung magkaayos kami.
<FLASHBACK>
Nath's POV
Agad naman kaming nagbihis ni Chris nang suminag ang araw at saka kami naghanap ng paraan para makabalik ulit sa sentro ng isla.
"Are you okay? You can stay inside if you want. Ako na lang ang maghahanap ng paraan para makabalik tayo." Pag-aaya niya sa'kin.
Umiling naman ako saka ngumiti. Kanina pa kase niya pinag sisiksikan na dapat hintayin ko na lang daw siya sa loob ng kubo.
"Okay lang ako. Saka wala naman akong ginagawang nakakapagod." Sagot ko sa kanya. Bumuntong hininga lang siya at saka umiling at ngumiti sa'kin.
"Ano pa nga ba ang magagawa ko? Just tell me if your tired so we can rest, okay? Medyo mahaba pa naman ang lalakarin natin para mahanap natin yung sentro ng isla." Matamis naman akong ngumiti sa kanya.
"Opo. Pramis." Natawa naman kami pareho saka niya ginulo ang buhok ko at saka nagsimula nang maglakad para hanapin yung sentro ng isla.
Napayakap naman ako sa sarili ko nang maramdaman ko ang lamig. Tss nakalimutan ko, umaambon pa nga pala hangang ngayon at saka idag-dag mo pa ang malamig na simoy ng hangin. Mukha nga talaga sigurong may bagyo.
Nasa kalagitnaan kami nang paglalakad nang bigla akong matisod sa malaking ugat nang kahoy na di ko namalayan.
Ganon na lang ang kaba ko nang malapit akong matumba at madapa pero ganon na lang ang pagkabigla ko nang may mga brasong sumalo sa'kin.
BINABASA MO ANG
His Martyr Wife [COMPLETED]
RomansaWife series#2:His Martyr Wife "The Love Endurance" Christian Vernon Lee and Farah Nathalie Villanueva story *** We're Married. But it is not his intention. I am his wife. But nothing changed. He's my Husband. But he acts like an Asshole. We have sex...