HMW Chapter 2: Jamaica Kate Laurel

267K 3.7K 114
                                    

Chapter 2: Jamaica Kate Laurel

Nath's POV

Na-agaw naman ng telepono ng bahay ang atensyon ko. Nagri-ring ito marahil sa mga bills na babayaran. Nagre-remind kase sila tuwing bayaran na.

I compose myself and erase those traces of tears.

Stand up Nathalie! You need to be strong. Walang magagawa ang pag-iyak mo.

I sighed and stood up.

Napangiwi naman ako nang maramdaman ko ang hapdi ng sugat ko sa paa. Di naman malalim at di din masyadong malaki kaya di naman siya ganon ka nakakapag-alala.

Dahan-dahan akong tumungo sa silid ko at saka kinuha ang first-aid kit.

Ewan ko ba kung saan ako nakakaramdam ng sakit, dahil ba sa sugat ko sa paa o dahil kahit anong gawin ko di ko maitago na nasasaktan ako dahil sa kanya.

Kainis! bakit di ba ako masanay- sanay?

Ayaw niya ako sa buhay niya. He said thay phrase a million times, Di nga siya nagkulang sa pagpapa-alala sa'kin eh.

Kase kahit na mag-asawa at kasal kami, nararamdaman at nakikita ko ang isang napakalaking haligi sa gitna namin. A wall that he built, just to punish me just because I love him. He have rules that I should follow. And one of that is I have limitations, in my acts, budget, and more.

Its already six in the evening when I finished cleaning his house and I decided to prepare his meal. Ilang oras lang ay natapos nakong magluto at sakto naman na may tumunog sa garahe.

I smiled thinking of him getting home early today.Himala kase di siya natagalang umuwi at mukhang di siya lasing.

Lahat ng sakit na naramdaman ko kanina ay nawala, maisip ko lang na umuuwi pa rin siya sa'kin kahit papaano.

Napawi naman lahat ng ngiti ko pagkapasok niya--- nila pala. Nila kase hindi siya nag-iisa. He's with someone, no not just someone but her. They were laughing and I was just like I am nothing but a ghost.

"Baby, As you promised ah" Baby? Kailan pa nagkaroon ng stepmom si Vernon?

"Oh sure baby, Kailan pa ba ako di tumupad sa pangako?" Gusto ko silang iumpog nang maghalikan sila sa harap ko pero buong lakas kong kinontrol ang sarili ko.

You can't just hurt her, nor hurt them. Ikaw lang ang magmumukhang tanga.

Nag-iba naman ang expresyon niya nang makita ako.

"Baby, sino siya?" tanong niya kay Chris habang naka-angkla ang mga braso nito sa kanya.

"Ah mauna na ako, may bisita ka pala." Pagpapalusot ko at aalis na sana nang matigilan ako sa sinabi niya.

"Nothing baby, she's nothing but just a helper." My heart cramps when he said those words emphasizing the word nothing.

"Oh, ganon ba baby. Baby, nagugutom na ako, Can we eat na? nagugutom na rin yung isa mo pang baby eh" Napalunok naman ako nang sundan ko ang kamay niyang humahaplos sa puson niya.

I-It can't be.

"Hey, You, Don't leave. Serve us" D*mn Nathalie wag na wag kang iiyak sa harapan nila lalo na sa harapan ng babaeng yan.

I inhaled and exhaled to compose myself at saka sila hinarap ulit.

I serve them as my heart keeps on aching at the sight of them. They were so sweet. Malayong-malayo sa amin. Sa relasyon namin.

Sino nga ba naman ako diba?

Jamaica Kate Laurel, kilala ko ang babaeng kasama ngayon ng asawa ko. He loves her. She is his life. Saksi ako sa pagmamahal ng asawa ko sa kanya. Noon pa man. Handa siyang mag-pakatanga para sa babaeng minsan na siyang niloko. Nakita ko kung paano nasaktan si Chris dahil sa kanya noon.

We're in our higschool years when I find out Jamaica Kate Laurel is his love, nalaman ko lang yun nung sinabi niya sa lahat yung tungkol sa relasyon nila. Simula no'n tinutukan ko na silang dalawa, I was too obsess to him to the point na kahit may girlfriend na siya ay stalker pa rin niya ako. Lahat ng nangyayari sa relasyon nila ay alam na alam ko. Then their break-up didn't escape my ears.

It was raining hard when I accidentally saw him with Jam in the finest restaurant here in Manila. Meron rin kase akong dapat i-meet ng gabing yun. Ewan ko ba pero nung oras na nakita ko sila di ko na magawang iiwas ang tingin ko sa kanilang dalawa. Bawat galaw nila ay minamatyagan ko.

At labis na lang ng sakit sa dib-dib ko nung makita ko ang pagpro-propose ng lalaking mahal na mahal ko sa babaeng mahal niya. Nakita ko pa ang luha sa mata niya na bakas ang saya at kaba. Pero lahat kami na nasa restaurant ay nabigla dahil sa naging sagot ni Jam.

"No...I-I'm sorry Vernon" Sagot ni Jam sa nakaluhod na si Chris. Nakita ko ang pagtulo ng mga luha ni Chris sa pisngi niya.

Kung kanina ay umiyak siya dahil sa saya, ngayon naman ay nababakas ko ang lungkot sa mukha niya. Oh! How I wanted to wipe those tears away. Kung ako na lang sana Chris.

"W-Why?...Why Jamaica?" He asked still on knees. Hindi pa rin tumitigil sa pagbuhos ang mga luha ni Chris kasabay ang matinding lakas rin ng ulan.

"That truth is... Kaya ko gustong makipag-usap sa'yo kase... Kase, I want to break up with you. Hindi ko na kaya." She said without any hesitation. Normal lang ang mukha niya, walang mababakas na lungkot o sakit, ni pagmamatigas ay wala. It's her natural emotion. After she said those words ay umalis na siya sa restaurant.

Pero hinabol pa rin siya ni Chris. Di nagdalawang-isip si Chris na habulin siya. Agad naman akong napatayo at saka sinundan sila. And there I saw them and I saw him... Begging?

"Jam, please. Don't do this to me. Ano bang gusto mo?"Nakita ko pa ang pagmamaka-awa ni Chris kay Jam. His pleading.

"Vernon, ano ba! I told you to get rid enough! Tama na sabi! Ayaw ko na" sigaw ni Jam sa gitna ng ulan.

"Jamaica naman, Bakit ba kase!? Okay naman tayo diba!? If you're not yet ready for the wedding, I won't forced you. Just please d-don't break up with me.I Love You." Saad ni Chris habang nakaluhod pa rin.

"I'm sorry, Chris. I don't want to hurt you but I really need to do this. I don't love you. I never DO love you." Diretsong saad ni Jam sa kanya habang nakadiretso ang tingin sa kanyang mga mata.

Maging ako ay nabigla sa sinabi ni Jam. How could she say she doesn't love him? Kahit mismo ako di ko masasabing di niya mahal si Christian.

Marahas namang pinunasan ni Chris ang mga luha niya at saka tumayo.

"Why!? Jamaica!? Totoo ba!? Is it true Jam!? Is it true that you have a relationship with a Villanueva!?" now his voice was raging.

H-He knows?

"Oo! Kaya tumigil ka na Chris! Itigil na natin ang kahibangang 'to! I just answered you a yes when you court me because of my parents! Sila ang may gusto no'n , hindi ako. Pero ngayon, handa na akong ipaglaban ang taong mahal ko Chris. I want to fight for him. Cause I Love him!" Napasinghap naman ako sa narinig ko.

Kasabay ng patak ng ulan ay ang pagbuhos ng emosyon ni Christian, isang bagay na hindi ko nakitang ibinigay niya sa kahit sinong babae maliban sa kanya. He really do loved her. Nakita ko ang pagluhod ni Chris nung oras na iniwanan siya ni Jam at saka tinalikuran.

Di ko mapigilan ang mapangiti ng mapait nang maalala ko ang gabing iyon.

Nakakatawang isipin na halos pareho lang kami. Baliw at Tanga sa pag-ibig.

Ang kaibahan nga lang, He Loves her while I Love him, And unfortunately she learned to love him also... Siguro

If you can love her even she broke you and herself? Then why can't you love me Chris? Ba't di mo kayang mahalin ang taong sinira mo?

-To Be Continued-

His Martyr Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon