HMW Chapter 47: Escaped

139K 2K 70
                                    

HMW Chapter 47: Escaped

Nath's POV

"I told you, I'll make it up to you" di ko mapigilan ang mapangiti. Di na ako sumagot sa kanya at hinayaan ang posisyon naming ganon.

"Wait, basa yung damit na suot mo ngayon. Tss. Baka magkasakit ka niyan sa lamig eh." Nagtataka ko naman siyang tiningnan.

"O-okay lang naka-jacket naman ako." Sabi ko sa kanya pero umiling lang siya bilang tugon sa sinabi ko.

"No. Mahirap na pag nagkasakit ka Nath. Tandaan mo dalawa kayo ng anak natin na responsibilidad ko. Pag magkakasakit ka magkakasakit din yung anak natin kaya kailangan ko kayong ingatan pareho." Di ko alam pero bigla na lang akong nakaradmam ng kirot sa puso ko.

Okay na sana kase nag-aalala siya pero ang masakit dun ay ang rason niya.

He cared because we are his responsibility. He cared for me kase ako ang nagdadala ng anak niya. Kapag wala ang bata di din naman siya mag-aalala.

"Wait." Di ko na napansin ang sinabi niya dahil na okupa na ng mga bagay-bagay ang isip ko.

"Heto, isuot mo muna 'to di naman ako masyadong nabasa kanina dahil sa jacket." Agad akong umiwas ng tingin nang iabot niya sa'kin ang suot niyang white polo.

"B-baka malamigan ka. B-baka ikaw pa ang magkasakit." Sabi ko habang umiiwas pa rin ng tingin sa kanya.

I can see through my peripheral view, that a playful smile flashed on his face.

"It's okay. As long as you're here to give me a body heat." Agad ko naman siyang siniko sa tiyan nang ibulong niya sa'kin ang mga salitang yun.

"Di ka na talaga mabiro, Hon" saad niya habang namimilipit sa sakit.

"Tss. Magbihis ka na nga baka lamigin ka pa... Or... You still want me to--- HAHAHA okay, I'll stop, magbihis ka na." Wala naman akong nagawa kundi ang magbihis dahil sa totoo lang nilalamig na din ako.

Mabuti na lang at may isang parte dun sa kubo na pwedeng pagbihisan. Naku! Wag talagang magkakamali ang gago na yun na manilip sa'kin. Tss.

Matapos kong magbihis ay sinampay ko naman yung damit ko sa parang maliit na bench na nasa loob ng bahay.

Nakita ko namang nakangiti akong pinagmamasdan ni Vernon kaya isang irap lang ang isinukli ko sa kanya.

"My cloth suits you." Nakangising sabi niya. Di ko alam kung ano pero para talagang may kakaiba sa mga ngiti niyang yun eh.

Inirapan ko lang siya saka bumalik dun sa higaan ba yun o sahig, di ko alam pero basta gawa siya sa bamboo.

Napaisip naman ako sa sinabi ni Vernon kanina.

Hmm... Sabagay napaka-komportable din sa pakiramdam ng damit niya. Saka at least di naman halata na di ako nagsuot ng bra kase malaki naman sa'kin 'tong polo niya.

Kase naman 'tong ulan eh, tss. Nabasa pa tuloy pati bra ko.

Agad ko namang naramdaman ang pagyakap niya sa'kin nang makaayos ako ng upo.

Pagod na pagod na ako para makipagtalo pa kaya hinayaan ko na lang siya. Naramdaman ko pa ang pag-kalas niya sandali saka ipinatong sa'kin ang jacket niya saka niya ako niyakap ulit.

Nanatili lang kami sa ganong posisyon na walang imik.

Napakatahimik to the point na para ka nang mabibingi nito.

Tanging ang ulan lang ang naririnig ko.

At ang yakap niya lang ang nararamdaman ko.

Ewan ko ba pero kahit na kumukulog at kumikidlat ngayon ay pakiramdam ko ligtas ako. Yung pakiramdam na hindi ka natatakot kase alam mong may magpo-protekta sa'yo.

His Martyr Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon