HMW Chapter 44: Cornered

175K 2.3K 108
                                    

HMW Chapter 44: Cornered

Nath's POV

"Langya siya! Ang kapal talaga ng mukha niya! Wala siyang karapatan para angkinin kami ng anak ko! After all the things he did to us!? Ang kapal talaga ng pagmumukha ng hayop na yun!?" Nangigigil na usal ko.

"Kumalma ka nga muna Nath, grabe, ako ang nahihilo sa'yong bruha ka!" I just rolled my eyes saka umupo sa tabi ni Kriselle.

Isang lingo na ang nakalipas simula nung umalis ako sa bahay nina Levis at mabuti na lang at naging okay naman yung lahat.

Mabuti nga at nakinig si Levis at naintindihan niya ang lahat. Nakita ko pa yung pag-aalala niya pero halatang pinipigilan niya ang sarili niyang pigilan ako sa pag-alis at yun naman ay siyang ikinatuwa ko.

Hindi naman kase lingid sa kaalaman ko na maaring may lihim na pagtingin sa'kin si Levis pero natutuwa talaga ako dahil ngayon mukhang magiging maayos na ang pamilya nila ni Tine. At saka di rin nasira ang pagkakaibigan namin.

Sana nga lang talaga ay maayos na nina Levis at Tine ang buhay pamilya nila. They are destined to each other at kahit mismo ako nakikita yun.

"Eh! Kris, paano ba ako kakalma, eh talaga namang nakakabwiset yung lalaking yun eh." Inis na usal ko. andito kami ni Kriselle sa condo niya na di naman niya ginagamit dahil may ibinigay na bahay yung lolo niya para sa kanilang dalawa ni Jace. I mean bumisita lang siya dito ngayon para dalawin ako kaya nasabi ko sa kanya yung ginawa ng hayop na Christian na yun.

"Alam mo may point ka naman eh, kaya nga wag ka talagang magpapatalo. Don't worry tutulungan kita sa problema mo. Kaya dapat wag ka nang ma-stress, nakakasama yan sa pamangkin ko nuh!" At talagang inangkin na niyang pamangkin niya yung baby ko ah.

"Di naman kase ganon kadali yun Kris eh. Alam mo mayaman yan si Vernon at saka para sa kanya mukhang mabibili na niya yata ang lahat. Saka Kris walang makakapigil sa kanya. Kapag gusto niya makukuha at makukuha niya talaga ito." Nag-aalalang sumamo ko.

Kase naman totoo yung sinabi ko.

Sa tatlong taon na naging tanga ako sa kanya, wala pa akong nababalitaan na gusto niya pero di niya nakuha. Lahat ng deals sa opisina ay nagawa niyang ma-close sa isang araw lamang.

Kahit yung mga malalaking kompanya ay nakukuha niya gamit ang pera. Ni buhay nga ng isang tao nagawa niyang bilhin gamit ang pera.

Kaya ganon na lang ang pag-aalala ko. Knowing that jerk, he will do all that he can para lang makuha ang gusto niya kahit pa magkamatayan.

"Anong akala mo sa'kin? Pulubi? Duh! Tutulungan nga kita diba? Psh." Aba ang init yata ng ulo ng 'sang tuh?

"Tss. Di mo talaga ako naiintindihan eh. Ayoko namang umasa sa'yo kase nahihiya na talaga ako. Pinatira mo na nga ako at pinapakain tapos madadamay ka pa sa problema ko. At saka sinabi ko na nga sa'yo diba, Gagawa at gagawa ng paraan si Vernon makuha lang ang gusto niya." Napapailing-iling naman siya.

"So anong ibig mong sabihin? Ano? Bibigay ka na lang? Ganon? Ha? Ganon ganon na lang ba yun Nath? Ano magpapakatanga ka na naman tapos ano? Ano? Hahayaan mong makunan ka na naman dahil sa utak ipis na lalaking yun!?" High blood talaga to eh?

"Di nuh! Ang akin lang naman kase ay gusto kong ako naman ang gumawa ng paraan para labanan si Vernon. Nahihiya na kase ako sa'yo at saka problema ko 'to." Napasapo naman siya sa noo.

"Nath, di mo makakain ang pride. Sorry to tell you this pero sa kaso mo ngayon? Mahihirapan ka talagang labanan ang gago mong EX!" Napabuntong-hininga na lang ako. Wala na naman kaseng saysay kung makikipagtalo pa ako kay Kris. Kase may punto naman talaga siya.

His Martyr Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon