CHAPTER ONE

25 3 0
                                    

Stephanie POV

Argghh ayan na naman ang bakla kong tito nag tititili naman.
" TIKTILAOK!!! KRING KRING DARNA ! GISING NA KAYO DYAN MGA TROPAPITS TANGHALI NA !! TIKTILAOK! " Hays grabe si tito ang aga aga pa ei. Ganyan siya tuwing umaga sya lang naman ang Alarm clock namin.
Hays makatayo na nga.

" Good Morning ma " bati ko kay mama pagbaba ko ng hagdan.

" Grabe ma ang aga naman mangbulabog ni tito" sabi ko dito sabay upo sa mesa at kuha ng plato para kumain.

O diba walang hila-hilamos lamon kaagad sabi kasi si mama wag daw agad maghilamos pag kakagising lang nakakasira daw ng mata. Tip 101 ^.^

" Di ka pa nasanay sa tito mo" ani ni mama sabay upo narin.

" sinong tito ? wala kang tito dito kungdi tita lang. Tita na dyosa !!! " entrace naman ng tito kung living alarm clock. Hays oo nga pala gusto niya tinatawag syang tita, Tita na dyosa -,- Lagi pa syang nakasigaw kahit na kaharap lang niya yung kausap niya.

" Okay tita. Sige na kain na po " mahinahong alok ko sakanya.

Umupo naman sya at kumain kami ng matiwasay, matiwasay nga ba ei ang ingay ni tito ei este tita pala hays .
Hindi ko na ikikwento kung ano ang mga pinagsasabi ni Tito.

Magtatanghali na pala. Kailangan ko na palang mag ready para sa graduation namin mamaya.

After 4 years matatapos narin ang paghihirap ko bilang highschool student.
* kala mo naman naghirap talaga * bara saakin ng aking mahiwagang konsensiya.

Aawayin ko pa sana ang aking konsensya ng tawagin ako ni mama

" Anak andito na yung mag aayos sayo " sabi sakin ni mama

" ah sige ma wait lang po maliligo lang po ako " paalam ko.

Dumiretso na ko sa bathroom at naligo na. Pagkatapos kong maligo pinapasok ko na yung magaayos sakin dito sa kwarto ko.

" Congrats ga-graduate ka na steph " bati sakin ni ate lyn habang kinukulot ang straight kong buhok,Siya yung personal stylist ni ate Donna.

Ate Donna is a singer/Actress in South Korea so she have her own stylist. Pinapunta pa talaga ito ni Ate dito para ito ang magayos saakin. Filipino rin ito.

" Thank you Unnie " pasalamat ko sa kanya

" Ang ganda mong bata. Magkamukha talaga kayo ng ate mo " puri sakin ni ate lyn.

" Sus maliit na bagay ate lyn. Wag mo kong masyadong pinupuri baka mausog haha "

" Haha oo na sige. "

4:00 PM

Eto na at tapos na kong ayusan ni Ate lyn papunta na kaming school ni mama. Kung hindi niyo naitatanong kung nasan si Papa nasa Company pa sya, nagmamanage kasi si Papa at Mama ng isang Entertainment Company sa Korea ito ang may hawak kay Ate Donna.

Umuwi lang talaga dito si Mama dahil nga graduation ko. Hindi naman ako katulad ng ibang anak na naiiwan o hindi nakakasama ang mga parents nila dahil sa mga Business nito.

Pero minsan naiiwan ako magisa dito sa bahay dahil nasa Korea silang lahat pero di ko naman dama ang magisa dahil tinatawagan naman nila ako.

We are pure filipino even if sa South Korea naisip nila mama magtayo ng Business doon at doon napili ni Ate tuparin yung dream niya.

Nakakaexcite na nakakaiyak grabe sa wakas matatapos narin ang aking paghihirap haha. * Uulitin ko kala mo naman pinaghirapan talaga * ikaw konsenya kani~

" Ppanyang " Naputol ang sasabihin ko sa aking konsensya ng narinig ko ang sigaw ng aking mga kaforever.

Nandito na pala kami sa school di ko na namalayan.

" Ppanyang bilis baba na dyan. Mag sisimula na yung program."

Bumaba na ko at sinalubong silang tatlo.

Ang tatlong yan ang aking mga kaibigan/kaforever. Khaira Ramirez the famous one, Catherine Alcantara the naughty one, Joana Santos the quite girl.
And me Stephanie Alonzo the one and only pretty chos haha.
Sabi nila Grade Conscious raw ako so,i repeat. And me Stephanie Alonzo the Grade Conscious and PRETTY.

At kaming apat ang magpapatunay na may FOREVER not in Romantic relationship BUT in FRIENDSHIP.

********************************

Iniedit ko pa po ulit yung story. Its been a long time nung simulan ko to. Sobrang busy kaya hindi ko siya natapos. Ngayon gusto ko na siyang tapusin. Hope you will read the better one.

Bestfriends Forever ? or not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon