CHAPTER THREE

19 2 0
                                    

Khaira POV

Andito kami kila Ppanyang katatapos lang ng aming graduation.

"Hi girls!" tili ni tita Dyosa

"Hi tito Juanito" asar na bati ni Cath.

"Yack! Catherine Alcantara. Walang Juanito nito. Dyosa lang Dyosa" Arteng sabi nito sabay walk out.

"Haha babye tito Juanito" pahabol pang asar ni Cath

Tsk mapang-asar talaga tong babaeng to ei.

"Tara na mga anak" Aya samin ni Tita.

"Congratulation Girls" bati sa amin ni ate Donna

"Thanks Unnie" sabay sabay naming tugon

"Nasa kwarto na pala ni Steph yung graduation gifts ko sa inyong apat''

"ah talaga ate? waaah new album ng GIRLS GENERATION" Tili ni Ppanyang

"Yes baby hahaha" Ate Donna

Pagkatapos namin kumain umakyat na kami sa kwarto ni Ppanyang at pinagtitingnan na namin ang regalong binigay sa amin ni Ate Donna.

"Waaah Shoes" Joana

"Ang cute ng Dress na ito" Cath

"Waaahhh Lion heart, Party and You Think album ng SNSD" tuwang tuwa na sigaw ni Ppanyang

"Wow ! napakaganda ng jewelries na ito" mangha ko naman sabi.

Pagkatapos namin tingnan ang mga regalo nanuod naman kami ng movie.

"Aray ano ba yan Cath" Reklamo ni Ppanyang pano ba naman horror yung pinapanuod namin at ang matatakutin lang naman ay si Cath.

"Ano ba naman kasi yan ei. Di na naman ako makakatulog niyan mamaya." reklamo ni Cath

Simula ng makilala namin si Cath nagbago siya naging girl type na siya pero hindi parin mawawala dun yung pagiging naughty niya sa ibang tao. Pero pag kaming apat lang ang magkakasama eto siya't ipapakita ang kahinaan niya. Siya parin talaga si Catherine Alcantara nakilala ko.

"Tahimik lang si Khai pero takot narin yan" asar ni joana.

Tahimik lang tong isang to pero mapangasar rin ito. Lahat naman ata kami mapangasar hahaha. Lumalabas talaga ang tunay naming mga ugali kapag kami-kami lang ang magkakasama.

"Hindi kaya ako takot. Sus ako paba?" Tapang Tapangan kong sagot.

"O talaga kaya pala ang higpit ng hawak mo sakin habang papalabas si sadako sa T.V" asar pa nito.

Tinanggal ko ang kamay ko na nakakapit sa kanya.

"Ewan ko sa inyo. Wag na kasi yan panuorin natin. Patayin na natin to" sabi ko sabay patay ng DVD.

"Tsk napaka KJ naman" asar na sabi ni Ppanyang

"Magkwentuhan nalang tayo. Ano bang kukunin nyong course pag nagcollege na tayo?" Tanong ko sa kanila

Hindi kasi kami pare-parehas ng University ba papasukan. Baka daw magkasawaan na kami haha.

"Hindi ko pa nga alam ei. Pero gusto ko sana mag Culinary Arts" Sagot ni Joana

"I want to take Multimedia Arts" sagot naman ni Ppanyang

" I will take Information Technology" Sagot naman ni Cath

"Ikaw Khai anung kukunin mo?" Tanong ni Ppanyang

"Gusto kong mag Law."
sagot ko naman sa kanila.

"Pag graduate natin ng College gawa tayong business natin ah?" suggest ni Jo

"hahaha oo nga. Sige" sang ayon naman ni Ppanyang

Bestfriends Forever ? or not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon