CHAPTER EIGHT

10 1 0
                                    

Steph POV

Sembreak na. Ang hirap pala maging college student. Kailangan mong magsunog ng kilay para lang makapasa. Literal na sunog kilay panubanaman yung mgakaklase ko mga lapis nalang yung kilay. Tsk.

Dahil busy ako sa pagaaral nahuli na ako sa balita na may BF na si Joana,ang tahimik na babaeng yun may boyfriend na.
At ngayon na nga niya ipapakilala ang Boyfriend niya.

Papunta kami ngayon nila Khai at Cath sa Park kung saan niya ipapakilala ang BF niya.

"Ano kayang ugali nun no? Sana makasundo natin." Sabi ni Khai

"Oo nga. Tayo pa nageffort pumunta sakanya ah" Cath

"Sana Mali yung naiisip ko" Pabulong kong sagot.

Nalaman ko kasing Mikey ang pangalan ng BF ni Jo. Mikey rin kasi ang pangalan ng kilalang Babaero at Manloloko sa University namin. Sa pagkakaalam ko rin close ito dun sa Charlotte.

"What do you mean?" Tanong ni Khai

"Ah nothing. I just wondering if he is a good looking" Ngiti kong sabi

"haha Ito talaga, itsura kaagad yung titingnan" Natatawang sabi ni Cath.

Naglalakad lang kami papuntang park. Hapon na naman kaya hindi na mainit.

Nakarating na kami sa Park at hinanap na yung dalawa. Nakita naman agad namin sila.

"Jo" Tawag ni Khai. Nakatalikod kasi sila saamin. Lumingon naman si Jo at nanatiling nakatalikod parin yung boyfriend nya. Lumapit na kami sa kanila.

"Ah Mikey mga kaibigan ko pala" Pakilala saamin ni Jo sa boyfriend nya. Pumihit ito paharap sa amin at nagpakilala.

"Hi Im Mikey Fuerte, Joana's Boyfriend" Pakilala nito saamin at nakangiti o should i say nakangisi ? Napatingin din ako sa dalawa kung katabi pati sila nagulat rin.

"Ah Hi im Stephanie Alonzo. Joana's Friend" Pakilala ko ng formal kahit pa ayaw ko sakanya para sa kaibigan ko.

Nagpakilala rin si Khai at Cath sa lalaki. Nagkatinginan kaming tatlo at alam ko na kung anong tumatakbo sa isip nitong dalawang to.

Nakatingin ako sa dalawang magkarelasyon.Sila lang ang naguusap at may pakiramdam ako na ayaw rin saamin ng boyfriend niya.

"Ah Jo. Alis muna ako ah may bibilhin lang ako" paalam ko

"Sama ako"Cath

"Ako rin" Khai

Tumungo lang si Jo at umalis na rin kami. Pagkatapos namin bumili ng Snacks naupo kami malayo sa pwesto nila Jo pero natatanaw namin sila.

"Ayoko sakanya" Prangkang sabi ni Cath

"Sya diba yung kilalang babaero at manloloko?" Tanong ko

"Yes sya yon. I don't like him for Jo" Sabi ni Khai

"But, Kailangan nating suportahan si Jo kung saan siya masaya kahit pa ayaw natin sa boyfriend niya" Sabi ko habang nakatingin kila Jo. Tumatawa silang dalawa at halata naman na masaya si Jo kay Mikey.

"Yes. Were going tosupport her" Sabi ni Khai

"Malay natin nagbago na yang Mikey na yan. Sabi naman ni Jo matagal ng nanligaw yan ei." Ani Cath

Sana nga. Ayoko masaktan yung kaibigan ko.

Bumalik na kami sa pwesto nung lovebirds.

"Ah Jo uwi na ko. May gagawin pa ko" Paalam ko kahit na wala naman talaga akong gagawin. Ayoko lang talagang makasama ng matagal yung Mikey na to.

"Ang aga pa ah. Dito ka muna." Sinamaan ko ng tingin si Cath

"Ah okay sige Ppanyang. Tara na sabay na ko sainyo" Sabi nito

"Ah ako rin sabay na ko" Khai

"Ah si-sige? Ingat kayo" Nagtatakang sabi nito.

"Bye Mikey. Alis na kami. Ingatan mo yung friend namin ah" paalam ko kay Mikey

"Okay" Walang ganang sagot nito at nakatingin lang kay Jo.

Ang yabang talaga. Kainis.
Hinatak na ako ni Cath paalis dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mabunutan ko ng buhok sa ilong yun ei. Kainis talaga !!

"O Ppanyang kalma lang" Natatawang sabi ni Cath

"Tsk. Pagnalaman ko lang talaga na hindi sya seryoso kay Jo kakalbuhin ko yung ano nyan ei" Inis na sabi ni Cath

"Hahaha ang alin Cath?" Natatawang tanong ni Khaira

"Basta yung ano nya."

"Haha okay"

"Forvs alam niyo bang may bali-balita sa University na close yang si Mikey doon sa Charlotte na classmate ko." Sabi ko

Nagkatinginan naman ang dalawa.

"That bitch" sabay na sabi ng dalawa. Di na ko nakapagsalita ng hinatak nila ko.

Khaira POV

Ayoko ng sabayan pa ang inis ni Cath sa lalaking yun. Kilala ko yung Mikey na yun. Naikwento saakin ni Zyline na nagkaBF sya na Mikey Fuerte ang Name at pinakita niya saakin yung picture kaya kilala ko yung Boyfriend ngayon ni Jo.

Sabi pa saakin ni Zy iwasan ko raw yung lalaking yun dahil lahat daw ng makitang maganda nun nililigawan,Lalo pa raw na QueenBee ako sa University namin.

Nagulat talaga ako kanina ng siya yung pinakilala ni Jo saamin. Sana lang hindi niya saktan si Joana. Dahil tatlo kaming kakalabanin niya.

Gusto man naming sabihin kay Jo na ayaw namin sa BF niya pero hindi namin kayang sabihin. Dahil nakikita ko kung gaano siya kasaya kanina habang kasama niya yun. Ayaw naman namin na kami ang magiging dahilan para lang hindi sya maging masaya.

Nasa tapat na kami ng bahay ni Ppanyang.

"Dito muna tayo Cath" aya ko kay Cath

"Osige tara." Sabi ni Cath at pumasok na kaming tatlo sa bahay nila Ppanyang at dumiretso sa kwarto niya.

"Guys nagtext si Jo saakin. Kung nakauwi na daw ba tayo?" Sabi ni Cath

"Sabihin mo nandito tayo kila Ppanyang" Sabi ko

"Okay. Done. Papunta na daw siya"

"Okay sige" Ppanyang

"Bakit ang tahimik mo dyan Ppanyang?" Tanong ni Cath dito

"Kasi iniisip ko parin si Jo ei. Paano kapag niloko lang sya non?" sabi nito

"Dont worry about her Ppanyang. Kaya niya sarili niya" sabi ko

"Bakit Khai gusto mo ba yung Mikey na yun para kay Jo?" tanong ni Ppanyang

Syempre hindi lalo na't alam kong close daw sila ni Charlotte

" Of course not. Kahit naman ayaw natin sa BF niya wala tayong magagawa dahil puso yun ni Jo hindi atin" sabi ko.

"Tumigil nga kayong dalawa dyan mamaya magaway pa kayo ei" sabi ni Cath.

Natahimik kaming tatlo ng biglang pumasok sa kwarto si Jo.

"O bat ang tahimik niyo?" Tanong ni Jo

"Ah w-wala" Sagot ni Cath dito

"Ah okay. Ano musta naman sa inyo si Mikey?" Tanong nito saamin.
Nagkatinginan kaming tatlo

"Ah Jo sa totoo lang ka-"
"Ah okay lang naman siya saamin Jo" nakangiti kong sabi sa kanya. Pinutol ko na yung sasabihin ni Cath hindi na naman tong babaeng to nagiisip.

"Ah talaga? Buti naman" Nakangiting sabi ni Jo

Yang ngiti niyang yan ang ayaw namin mawala ng dahil lang saamin. Sya ang pinaka mabait at tahimik sa grupo namin kaya kahit na ayaw ko sa BF niya hindi ako magpapakaimmature. Sana lang hindi nagkamali si Jo sa napili niyang mahalin.

Bestfriends Forever ? or not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon