Chapter EIGHTEEN

11 1 0
                                    

Steph POV

Natapos ang event kagabi ng masaya at maayos. Christmas break na at papunta akong mall ngayon para mamili ng mga regalo para sa mga inaanak ko at sa mga kaibigan ko.

Sinusuklay ko ang buhok ko sa harap ng salamin ng mapansin kong wala akong suot na kwintas. Naalala kong madaming kwintas si ate Donna na naiwan niya sa kanyang kwarto. Hindi naman kasi ako ganun kahilig sa mga jewelries. Pero ngayon trip kong magsuot.

Pagpasok ko sa kwarto ni ate Donna hinanap ko agad yung mga jewelries niya. Huling pasok ko dito sa kwarto ni ate Donna nung highschool pa ako. Ayaw kasi ni ate Donna na may pumapasok sa kwarto niya lalo pa't hindi niya alam. I don't know why.

Nakita ko naman agad ang hinahanap ko sa side table niya. Pagkakuha ko ng mga jewelries niya may napansin akong photo album na katulad ng nakita kong photo album na nas ilalim ng kama nila Mama. Mukhang tama nga ang hinala ko si ate Donna nga iyon. Kinuha ko ang album at tiningnan isa isa.

Sa umpisa puro pictures namin ni ate Donna together. Pero pag dating ko sa last page ng album, nakita ko ang isang picture na may dalawang babae at isang batang babae. Alam kong yung dalawang babae ay ako at si ate  pero yung bata parang nakita ko na siya, para bang kilala ko siya.

Napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman kong biglang kumirot ito. Sino ba ang batang iyon. Naalala ko na siya yung bata sa picture na nasa ilalim ng kama nila mama.

Kahit pa sumasakit yung ulo ko, tumayo ako at pumuntang kwarto nila mama para kunin yung photo album na nakita ko nung nakaraan. Pagkakuha ko nito bumalik na ko sa kwarto ni ate. Binuksan ko ang photo album at kinumpara dun sa batang kasama namin ni ate. Si-sino siya? Bakit kasama namin siya ni ate Donna sa picture? Tiningnan ko pa ang ibang picture nung batang babae. Lalong sumasakit ang ulo ko kada lipat ko ng bawat page ng album. Pinipilit ko lang indahin ang sakit ng ulo ko.

Pagkatapos kong tingnan ang mga pictures sinarado ko na ang album pero pagkasarado ko may nakita akong sulat sa likod.

Hindi ko ito nakita nung una ko itong nahanap. Nabasa ko ang isang pangalan, isang pangalan na lalong nagpasakit sa ulo ko. Hindi ko na kinakaya yung sakit ng ulo ko. Kasabay ng pagbigkas ng pangalan na nabasa ko "BABY LUISA" ay biglang nagdilim ang paligid ko.

---------------

Pagmulat ko ng aking mata nakita ko sila Khaira, Cath at Jo kasama si Charlotte? Pero nagulat ako ng makita ko ang kausap nila. AKO. Pero ang mas kinagulat ko kasama nila yung batang babae na nakita ko sa picture.

Diba nasa kwarto ako kanina bago ako himatayin? Pero bakit nandito ako ngayon sa sala at nakikita ko ang aking sarili at mga kaibigan? At tila mga elementary palang kami? Ang alam ko nagkakilala lang kami nung HS ah. Nananagnginip ba ako?

"Wag niyo na kayang itulog?" Narinig kong sabi ng elementaryang ako.

"Ano ka ba Ppanyang gusto lang namin ipasyal si Luisa sa bagong bukas na Amusement park diyan" Ppanyang? Tinawag ako ni Charlotte ng Ppanyang?

"Tsaka sumama ka na kasi" Pagpupumilit ni Khaira

"Di nga kasi ako pwede ngayon. Masama pakiramdam ko"

"Promise. Iingatan namin si Luisa" Sabi ni Jo habang nakataas pa ang kanang kamay na katibayan na nangangako nga ito.

"Pero kasi. 12 y/o palang tayo,kayo baka kasi. Magsama nalang kayo ng nakakatanda"

"Okay sige. Isasama namin yung driver namin sa pamamasyal" Sabi ni Cath ng nakangiti.

Ayaw man ng batang ako pero sa huli pumayag na siya. Naguguluhan man ako sa nangyayari pero pinilit ko paring makinig sa pinaguusapan nila bago tuluyang umalis sila Jo.

Bestfriends Forever ? or not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon