Khai POV
Andito kami ngayon sa mall ni Zyline kasama yung kakambal niya na si Jerick ewan ko ba kung bakit sumama to, Dapat kami lang dalawa ni Zy ei.
By the way were here to buy gifts kasi diba malapit na yung Christmas. We have Christmas Party in Zyline's house. I dont know when.
"Khaira, This jewelry is pretty right?" asked Zy
"Yes." Tipid kong sagot.
Kanina pa kasi kami paikot ikot dito sa mall at hanggang ngayon hindi parin siya nakakabili ng ipangreregalo niya. Napapagod rin ako ah.
"Zy pagod na si Khaira. Pwede bang magpahinga naman o kaya kumain muna tayo" Jerick
"Okay sige. Tara MCdo nalang tayo" Aya nito at naglakad na.
"Thank you" I mouted to Jerick
Habang kumakain hindi ko mapigilang hindi mailang paano ba naman nasa harap ko si Jerick at nakatitig saakin habang kumakain. Sinong hindi maiilang diba?
"Khaira kanina pa kita kinakausap hindi ka sumasagot at nakatitig ka lang kay Kuya " Namula ako sa sinabi ni Zy di ko napansin na nakatitig na pala ako kay Jerick.
"Ah so-sorry Zy. A-ano bayun?" Nahihiya kong tanong. Narinig ko ang mahinang tawa ng lalaking nasa harap ko.
"So, as i have said earlier. Sharmaine texted me that our christmas party is on Dec.24 in our house. At exactly 7:00 pm " Zy said.
"Why Dec. 24 ? Hindi niyo ba makakasama yung parents niyo sa Christmas eve?" Tanong ko. Di ako pwede nun kasi may party lagi yung family namin at family nila Ppanyang,Jo at Cath tuwing Christmas eve. Simula kasi ng maging magkakaibigan kami naging close rin yung mga parents namin.
"Of course makakasama namin sila that eve. Hindi naman tayo magpapaabot ng 12:00 am ei. Hanggang 10:00 pm lang tayo" Nakangiti nitong sabi.
"Okay sige. Basta 10:00 pm lang ah. May party rin kasi yung family namin ei." Sabi ko.
Nginitian niya lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Tumingin ako kay Jerick na tahimik lang sa harap ko habang kumakain. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya ng tumingin siya saakin.
Pagkatapos namin kumain naghanap na ulit kami ng panregalo. Halos 5:00 pm na kami natapos sa pagma-mall. Kapagod!
"Bye Khai. Ingat" Paalam saakin ni Zy pagkababa ko ng sasakyan nila. Hindi ko dinala yung kotse ko kasi nakakatamad dalhin.
"Thank you. Ingat rin kayo" Paalam ko.
"Bye Khai" Paalam ni Jerick. Nginitian ko lang siya. Inantay ko muna makaalis yung kotse nila bago ako pumasok sa bahay.
Pagkapasok ko sa bahay sinabihan ako ng ni kuya manong guard na galing daw si Cath dito kanina. Ano naman kayang problema nun at napasugod dito sa bahay?
Matawagan nga yun mamaya.Umakyat na ko sa kwarto ko at nagpalit ng pantulog. Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Cath.
(Hello? Catherine "Maganda" Alcantara Speaking. Who is this?)
"Tigil tigilan mo ko sa kakaganyan mo Catherine ah. Anong problema mo at napasugod ka dito sa bahay?"
(Ah May mukhang Aso kasi na nandito sa bahay ei. ~ ANO BA LUMAYO KA NGA SAAKIN ~)
Nilayo ko yung phone sa tenga ko dahil sa matining na tili ng babaeng kausap ko.
"Ano bayan Cath. Wag ka ngang sumigaw"
( E kasi yung mukhang aso na nandito ayaw pang umalis ei. ~ Ei kasi nga pinapabantayan ka ng magulang mo saakin panget ka. ~
Sino naman tong lalaking to at ang lakas ng loob tawagin si Cath ng panget? Gusto ata nito mawakasan ng maaga yung buhay nito ei.
"Hayy naku Cath. Saka ka nalang magkwento kapag di ka na busy sa lovelife mo" Pang aasar ko dito.
( HOY KHAIRA RAMIREZ. WALA AKONG LOVELI---- ) Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil pinatay ko na ang tawag. Hinawakan ko ang tenga ko dahil feeling ko naririnig ko parin yung matining na sigaw ni Cath.
Bumaba ako sa kusina para kumain. Napatingin ako sa phone ko na nasa tabi ko ng may biglang nagtext. Bubuksan ko palang yung text message ng may sumunod na text. Binasa ko yung nauna na text message.
* Hi Khai. Good Evening and Goodnight * SMS from Jerick
* Goodnight din Jerick * Sending....
Sending Failed ! Hayys expired na pala yung load ko. Hindi ko na nireplayan si Jerick dahil wala naman akong load.
Binasa ko nalang yung sumunod na text.
* Honey, Uuwi kami ng Dad mo before Christmas. I know that Steph,Cath and Jo parents is not there. So kayo muna ang magpripared para dun sa magiging party natin. Takecare always Honey. I love you * SMS from Mom.
Napangiti ako sa text ni Mom kasi kahit na sobrang busy nila dahil sa business nila hindi pa din nila nakakalimutan na may anak sila.
BINABASA MO ANG
Bestfriends Forever ? or not?
Ficção AdolescenteWala ka na ngang forever sa lovelife pati ba naman sa friends mawawalan ka rin ng forever ? Tunghayan ang road to forever ng magkakaibigang Stephanie Alonzo, Khaira Ramirez, Catherine Alcantara and Joana Santos. Makayanan kaya nila ang mga pagsubo...