CHAPTER NINE

6 1 0
                                    

Cath POV

Magpapasko na at 2 weeks na rin ng magsimula ang 2nd semester. Tuwing pasko nagkakaroon kami ng exchange gift na apat.

December 1 na ngayon. 24 days to go before christmas. At eto ako ngayon nagdedecorate ng Christmas tree dito sa bahay yung ibang katulong namin ang nagdedecorate ng buong bahay. Wala sila Mommy dito nasa business trip nila pero uuwi naman daw sila sa christmas.

Tuesday ngayon at wala akong pasok. M,TH,S kasi ang schedule ko. Kaya ngayon ko naisipan magdecorate.

"Maam Ganda may naghahanap po sa inyo sa labas" Sabi saakin ng katulong ko. Yes yan ang tawag saakin ng mga katulong namin. Walang aangal ang umangal PATAY!

"Sino daw? Wag mo munang papasukin mamaya masamang tao yan" Sabi ko habang kinakabit ang christmas light sa christmas tree.

"Mavy daw po" Napahinto ako sa ginagawa ko dahil sa pangalan na binanggit ng katulong namin.

"Wag mong papasukin yang talipandas na mukhang aso na lalaking yan" Sabi ko at pinagpatuloy ang aking ginagawa

"Grabe ka naman ganyan mo ba winiwelcome ang bisita mo?" Nairita ang tenga ko ng marinig ko ang boses ng lalaking kinaiinisan ko.

"Arggh. Ate Lory sabi ko diba wag papasukin yang mukhang aso na yan? Diba sabi ko wag na wag magpapapasok ng di natin alaga dito sa bahay?" Bulyaw ko sa katulong namin.

"Ah kasi maam nagpumi-"
"O bawal pala Hayop dito sa bahay na to ei bakit nandito ka?" Putol nito sa sasabihin ng katulong ko

"Aba't sumasagot ka pang lalaki ka ah" Bumaba ako sa upuan na pinagpapatungan ko at lumapit sa kanya at tinadyakan ang pinakamaselang bahagi ng katawan niya.

"Arghh aray ! Epal kang babae ka. Tinadyakan mo na naman ang kinabukasan ko. VSeat ka!" Sabi niya habang nakaupo sa sofa at hawak ang iniingatan niya.

"Hahahaha namiss mo ba?" natatawang sabi ko

"Epal kang pangit ka! Ang laki ng eyebag mo at ang itim itim ng kili-kili mo!" Napahawak ako sa ilalim ng mata ko at sa sinabi niyang yun lalo akong nainis sa sinabi niya ang pinaka ayaw ko sa lahat ay yung sinasabihan akong panget at nilalait ako.

Binato ko sya ng walis at dustpan dahil sa inis ko.

"EPAL KANG MUKHANG ASO KA ! WALA AKONG EYEBAG AT MAPUTI AT MAKINIS AKO!" galit na galit kong sabi at patuloy na pinagbabato siya ng gamit na mahawakan ko.

Nakaiwas naman siya ng yung vase na yung ibinato ko. Mukhang nakamoveOn na sya sa sakit.

"Haist bat ka ba nandito Mukhang Aso?" Tanong ko sakanya sabay upo sa katapat nitong Sofa

"May pinapasabi kasi yung mga magulang mo Panget"

"At ano naman yun Mukhang Aso at sayo pa pinapasabi ng magulang ko?" Tanong ko

"Sabi nila bantayan daw kitang panget ka" Napakunot noo ako sa sinabi niya.

"Bantayan? Para san naman Mukhang Aso? Malaki na ako at kaya ko na sarili ko" sabi ko dito at inirapan ito.

"Ate paligpit naman po ng mga kalat dito. Yung amo niyo kasi nagkalat" Sabi nito sa katulong namin.

Itatanong ko pa sana kung bakit niya ko kailangan bantayan ng magring ang Phone ko. Sinagot ko naman ito agad.

"Hello?"
( Daughter. Mommy mo to. Nagkita na ba kayo ni Mavy ? )
"Yes Mommy he's here. Bakit ma pinapabantayan mo ko sa Mukhang Aso na to?" Sabi ko sabay tingin sa Mukhang Aso nasa harap ko.
( Watch your words Daughter. He's a Son of my friend. )
"Bakit nga Mommy?"
(I just want to watch the two of you being together)
"Mommy!"
(Why? I like Mavy for you. Tsaka childhood friend mo naman si Mavy ah)
"But Mommy!"
(No buts Daughter. Take care and I love you)
"Okay Mommy. I love you too. Bye"

Pinatay ko na yung tawag at tumingin sa Mukhang Asong kaharap ko

"O anong tingin yan Panget?" Tanong nito.

"Anong pinakain mo sa parents ko at gusto tayong pagsamahin?" Tanong ko dito.

"Wala naman. Hindi ko alam" Sabi nito sabay higa sa sofa namin.

"Hoy mukhang aso Tayo dyan baka mangamoy aso yung sofa" Sabi ko dito habang hinihila sya patayo.

"A.YO.KO" sabi nito
Binato ko sya ng Unan at lumabas pupunta nalang ako kila Ppanyang at tatambay.

Kahit naman mukhang aso yung lalaking yun mayaman naman yun at alam kong walang kukunin yun sa bahay. Kaya okay lang na iwan ko siya dun sa bahay. Bahala siya dun. Magsama sila ni Gee yung Aso ko pero mas cute sa kanya si Gee nu.

Nasa tapat na ko ng bahay nila Ppanyang at pumasok na. Bakit wala yung guard nila Ppanyang sa gate nila?

"Ppanyang" Sigaw ko. Lumabas naman yung isa sa katulong nila Ppanyang.

"Ah Maam Cath wala po dito si Maam Steph. May pasok po siya ngayon." Sabi saakin ng katulong nila Ppanyang.

Hayys oo nga pala. Nakalimutan ko may pasok nga pala kapag Tuesday si Ppanyang.

"Ah sige. Pakisabi nalang pumunta ako" sabi ko nalang sabay labas. Pupunta nalang ako kila Khai.

Ang init kahit magpapasko na mainit parin. Climate Change nga naman. Vseat kasi yung Mukhang aso na nasa bahay ei. Tanghaling tapat tuloy naglalakad ako wala pa namang akong dalang payong. Hayys buti nalang maganda ako. Pag ako talaga umitim dahil dito. Tutuluyan ko talagang tapyasin yung kinabukasan nun ei.

Nandito na ko sa bahay nila Khai. Magkakalapit lang naman kami ng bahay kaya kayang kaya lakarin. Nagdoorbell na ako at binuksan na ng guard nila Khai ang gate.

"Good Afternoon Maam Cath" bati nito saakin.

"Good Afternoon Kuya. Andyan po ba si Khai?" Tanong ko dito.

"Ah maam wala po si Maam Khai dito. Umalis po siya kaninang umaga at hanggang ngayon di pa po bumabalik" Sabi nito

"Saan naman daw po siya pumunta?" Tanong ko

"Sa kaibigan niya po ata. Kasi narinig ko po siyang may kausap sa Phone niya kanina bago sya umalis ei" Sagot nito. Kaibigan ? Ah baka College friends niya.

"Ah okay kuya. Salamat. Pakisabi pumunta po ako" Sabi ko dito at umalis na.

Last destination Joana's house. I hope nandoon siya,iniistress ako ng mga kaibigan ko ah. Yung ganda kong to naglalakad sa ilalim ng init ng araw hayys. Dahil to dun sa Mukhang aso ei.

Malapit na ko sa bahay nila Jo ng makita ko yung maldita nilang katulong na nagtatapon ng basura.

"Hoy! Andyan ba si Jo sa bahay nila?" Tanong ko sakanya habang nakataas ang kilay. Tumingin naman ito saakin at tinaasan din ako ng kilay. Aba't walang galang tong Witch na to.

"Hindi Hoy ang pangalan ko." sabi nito

"I dont care. Where's Jo?" Tanong ko.

"Wala dyan si Maam Jo. Umalis kasama yung Boyfriend niya." Sabi nito sabay irap at talikod saakin.

"Hoy ! Witch ! Bukas sasabihin ko kay Jo na isesante ka na." sabi ko dito. Hindi ako nito sinagot at lumakad lang hanggang sa makapasok ito sa bahay. Agrrr Witch talaga!

Hayys san na ko pupunta? Humanda ka Mukhang aso. Vseat ang init. Lahat sila busy sa kanya kanya nilang buhay. Si Ppanyang sa pagaaral niya. Si Khai sa bago nitong mga kaibigan at si Jo sa Boyfriend nito.

Samantala ako busy sa pangiinis ng lalaking mukhang Aso na nasa bahay.

Bestfriends Forever ? or not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon