Cath POV
Lumipas ang mga araw at wala pa rin kaming balita kay Ppanyang. December 23 na ngayon. Hindi na rin kami nag kikita kitang tatlo dahil busy na rin sa iba sila Khai at Jo. Si Jo busy sa kanyang boyfriend at si Khai naman busy kakagala kasama yung iba niyang kaibigan. Si Charlotte naman hindi ko alam kung saan lupalop naroroon. Habang ako eto iniinis ng mukhang asong nandito sa bahay ko. Pinipilit niya kong bisitahin ko daw sa Cebu yung mga magulang ko.
"Sige na kasi Pangit. Kahit manlang bisitahin mo yung mga magulang mo bago manlang mag pasko" Pangungulit parin nito.
"Masaya na sila doon kasama yung ampon nila kaya para saan pa kung pumunta pa ko dun?" Iritadong sabi ko. Kinuha ko naman ang panglinis ko ng kuko at yun nalang ang binigyan ko ng pansin.
"Siyempre mas sasaya sila kung nandoon ka rin" Hindi ko siya pinansin at busy lang ako sa pagkukus ng paa ko.
"Hay nako. Ewan ko sayong pangit ka! Bakit kasi nagpapadala ka diyan sa selos mo" Inis na rin ito at tumayo nalang sabay punta sa kusina.
Tingnan mo nga naman feel at home tong mukhang aso na to.
"HOY! WAG MONG BAWASAN YUNG PAGKAIN KO SA REF. BILANG KO YUNG CHOCOLATES KO DIYAN" sigaw ko dito ng makita kong binubuksan niya yung Ref ko. Pero mukhang hindi niya ako pinansin, kumuha parin siya ng ng chocolates ko at kinain yun ng nakatingin pa sakin na tila nang aasar. Lintik talaga.
Lumapit ako dito at saka pinaghahampas ko ito ng unan.
"LESHE KA TALAGA LAGI MO NALANG AKONG INIINIS"
"Aray! Ayaw mo kasing pumuntang Cebu ei. Kaya uubusin ko nalang tong mga chocolate mo." Nangiinis parin ito.
"FINE! SASAMA NA KO SA CEBU! JUST DON'T EAT MY CHOCOLATES" Badtrip na Asong to! Kainin niya na lahat ng pagkain na nasa ref ko wag lang ang mga chocolates ko.
"Yeheey! So kailan alis natin?" Excited nitong tanong. Para itong baliw na tumakbo papuntang living room dala parin ang chocolate ko. Sa kanya na yun may laway niya na yun nuh! Kadiri naman kung kukunin ko pa! Yuck!
"Maganda kung ngayon na. Para bukas ng umaga makauwi na rin tayo. Mag sasama sama kami bukas nila Khai kaya kailangan ko na agad umuwi non. Tutal mayaman ka naman ikaw na bumili ng ticket natin" Naglalakad na ko papuntang kwarto ko ng di tumutingin sa kanya habang sinasabi ko yun sa kanya. Wala akong nakuhang sagot sa kanya kaya lumingon ako dito. At ang walang hiya may kausap na pala sa phone niya at nag papabook na ng flight namin para mamaya.
Napailing nalang ako saka dumiretso sa kwarto ko at nag ayos ng mga gamit.
Pagkatapos kong mag ayos bumaba na ko dahil tanghali na at nakaramdam na rin ako ng gutom. Pagkababa ko wala roon yung mukhang aso, ewan ko kung saan pumunta yun.
Napapadyak nalang ako sa inis ng maalala kong pinagbakasyon ko pala yung mga katulong ko kaya walang magluluto ng pagkain ko ngayon. Arrrggghh! Shemay!
Nagugutom na ko kaya hindi ko na kayang magintay kung magpapadeliver pa ko kaya ang ending pumapak nalang ako ng chocolates ko.
Mauubos ko na yung pangatlong Chocolate ko ng may umagaw nito. Tiningnan ko ng masama yung asong umagaw nito sa akin pero agad ko ding inalis ito ng makita kong may dala itong pagkain.
"Tsk. Tsk. Kaya ang taba at ang pangit mo pinangtatanghalian mo yung Chocolates" Umiiling na sabi nito habang hinahain yung mga pagkain. Hindi ko nalang siya pinansin dahil gutom na talaga ako. Pagkatapos niya sinunggaban ko agad yung manok. Waaaaah Heaven !
"Tsk Tsk. Mayaman naman kayo. May allowance ka naman araw araw pero bakit parang hindi ka pinakain ng isang buwan?" Comento niya
"Wanga kang Pangii(wala kang paki)" sabi ko dito habang puno pa ang bibig ko.
BINABASA MO ANG
Bestfriends Forever ? or not?
Teen FictionWala ka na ngang forever sa lovelife pati ba naman sa friends mawawalan ka rin ng forever ? Tunghayan ang road to forever ng magkakaibigang Stephanie Alonzo, Khaira Ramirez, Catherine Alcantara and Joana Santos. Makayanan kaya nila ang mga pagsubo...