Steph POV
Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa loob ng kwarto ko. Pagdilat ko nasa Hospital ako. Nananagnginip parin ba ako? Di pa ba tapos ang lahat? Umupo ako ng marinig kong magsalita si nanay melay
"Jusko anak. Salamat at gising ka na. Ano ba ang nangyari sa iyo? Nakita nalang kitang walang malay sa kwarto ng ate Donna mo" Nagaalalang sunod sunod na tanong ni Nanay Melay.
"Pasensya na po Nay. Sumakit lang po kasi yung ulo ko."
"O-okay ka na ba?" Tanong ni Jo. Nandito pala silang tatlo. Nanunubig na naman ang mga mata ko ng maalala ko na naman ang nangyari. Galit at lungkot ang nararamdaman ko. Hindi ko sila pinansin at humiga nalang.
"Anak. Anong ginagawa mo sa kwarto ni Ate Donna mo? At bakit may mga al-album do-on?" Nag aalangang tanong ni Nanay Melay. Alam kong alam niya rin ang nangyari dahil naalala ko ring si Nanay lang ang nag aalaga sa aming tatlong magkakapatid kapag wala sila Mama.
Hindi ko sinagot ang tanong ni Nanay Melay. "Nay pwede po bang magpahinga muna ako?"Sabi ko nalang sabay nagilid sa kanila.
"Sige. Tawagin mo lang ako sa labas kung may kailangan ka ah" Tumango nalang ako. Narinig ko naman ang pintuan na senyales na lumabas na sila.
"We're sorry Forvs" Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Hindi ko magawang sigaw sigawan sila. Dati, oo dahil bata pa ako nun. Di ko pa naiintindihan ang mga pangyayari kaya puro galit lang ang pinairal ko. Ngayon ang gusto ko, sila mismo ang umamin sa kasalanang nagawa nila. Sinasadya man nila ito o hindi.
Alam kong pagkatapos ng aksidenteng iyon at pagkawala ng alaala ko ay ang pagkakabuo muli ng pagkakaibigan namin. Alam ko na ngayon kung bakit naging malapit agad silang tatlo sakin nung highschool kami. Alam ko na rin kung bakit parang kilalang kilala ko na si Charlotte. At alam ko na rin kung bakit ganoon ang tanong ni Charlotte kay Khai nung Mr. & Ms. Winter. Ako pala ang tinutukoy nilang dalawa. Alam kong nagalit si Charlotte at alam ko ring nakonsensiya rin siya dahil siya lang ang nasisisi ko.
Hindi ko alam ang buong nangyari dahil hindi ako nakinig sa mga paliwanag nila. Nadala ako ng galit kaya humantong sa pagkaaksidente ko. Hindi ko rin masisisi yun. Mahal na mahal ko ang bunso kong kapatid. My Baby Luisa. Hindi man na ganoong kasakit ang pagkawala niya pero nangungulila parin ako sa baby ko. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Mama.
Nakakatatlong ring palang sinagot na ito ni Mama.
(O my God nak. What happened? Ano tong sinasabi ni Nanay Melay na nawalan ka ng malay?) Hindi ko pinansin ang mga tanong ni Mama at tinanong ko agad ang gusto kong malaman.
"Ma? San po ang puntod ni Baby Luisa?"
Hindi agad ito nakapagsalita, alam kong nagulat siya sa tanong ko.
("Na-Nak? Alam mo na? Nakaalala ka na?)
"Yes po Ma. Naalala ko na po ang lahat."
(Nasa *toot* Cemetery ang grave ng kapatid mo. Alam na ba ito nila Khai? Nak please wag mo ng sisihin ang mga kaibigan mo. Hindi nila alam na mangyayari yun. Please try to understand them) Malungkot na sabi ni Mama. Yes gusto ko silang intindihin pero gusto ko munang malaman ang tunay na nangyari.
"Yes Ma. Pupuntahan ko po muna si Baby Luisa then kakausapin ko po sila. Ma paayos po ng ticket ko papunta diyan sa Korea. Gusto ko pong diyan nalang tayo mag celebrate ng christmas."
(If that's what you want Nak. Basta kausapin mo muna ang mga kaibigan mo saka kita ipapasundo kay Ate Donna mo)
"Yes ma, Bye. Love you" Pinatay ko na ang tawag. Pinikit ko ang aking mata at unti unti akong nilamon ng antok.
BINABASA MO ANG
Bestfriends Forever ? or not?
Teen FictionWala ka na ngang forever sa lovelife pati ba naman sa friends mawawalan ka rin ng forever ? Tunghayan ang road to forever ng magkakaibigang Stephanie Alonzo, Khaira Ramirez, Catherine Alcantara and Joana Santos. Makayanan kaya nila ang mga pagsubo...