CHAPTER SIXTEEN

6 1 0
                                    

Cath POV

"Ppanyang anong oras pa dadating si Ate lyn?" Tanong ni Khai. Nandito kami ngayon kila Ppanyang. Hinihintay lang namin yung mga mag aayos sa amin para sa Christmas party mamaya.

"Padating na yon. Malapit na daw sila" Sagot naman ni Ppanyang habang inaayos yung mga susuotin niya.

"Ah Cath nasan na pala si Mavy? Diba pupunta daw siya? I assure naman na pwedeng pumasok yung mga outsider"

Tinaas ko lang ang balikat ko para ipabatid na hindi ko alam kung nasaan yung mukhang aso na yon. Matapos ang sigawan namin kagabi agad siyang umalis ng bahay at iniwan akong nag e-emote.

Nagbo-browse ako ngayon sa facebook ko. Usong uso ngayon yung "Mo to" "Pag ginawa ko ba to ganito na ko" etc. Natawa naman ako sa sunod kong nabasa. Tiningnan ko yung Flatscreen TV na nandito sa kwarto ni Ppanyang sabay tinggin Joana. Natatawa parin ako.

"Jo dikit ka nga dun sa TV ni Ppanyang" Natatawa kong tanong. Baliwag kasi tong nabasa ko.

"Bakit?" Nagtataka naman nitong tanong

"Hahahaha basta bilis na" Natatawa ko paring sabi

"Tigil tigilan mo nga ko Cath. Ako na naman trip mo"

"Ano namang trip mo?" Tanong ni Khai habang nililinisan ang kanyang kuko.

"Hahahaha Pagdumikit si Jo sa screen ng TV na yan. May Flatscreen ka na Ppanyang" Laugh trip talaga tong nabasa ko. Parang timang. Tawa parin ako ng tawa ng bigla akong hampasin ng tatlo.

"Langya ka. Di ako Flat. Porket ba ang laki ng iyo. Kung makapanlait ka sa hinaharap ko sagad na sagad" Ngayon ko lang ulit nakitang sumigaw si Jo ng ganito pero alam ko namang walang halong galit yung pagsigaw niya na yon.

"Hahahaha Sorry na" Natatawa parin ako. Ang lakas din ng trip ng mga nagpo-post ng ganito sa facebook. Inisnaban lang ako ni Jo at bumalik na rin sila sa kanilang ginagawa. Napatingin ako sa shoe box na nasa lapag.

"Forvs kapag ba sinuntok ko yang shoe box na nasa lapag, Boxer na ko?" Pft

"Ang lakas ng trip mo. Ano bang nakain mo?" Nagtatakang tanong sa akin ni Ppanyang

"What? Di ba nakakatawa?" Tanong ko habang tumatawa. Masyado na kong madaming tinawa baka bukas di na ko makatawa.

Napatigil ako sa kakatawa ng may kumatok sa pinto ng kwarto ni Ppanyang.

Pinagbuksan ni Ppanyang ng pinto ang kumatok.

"O? Ate Lyn. Pasok po" Alok ni Ppanyang sa babaeng tinawag niyang Lyn. Hindi naman ito ganun katanda. Parang kaedad lang nila Mommy. Speaking of Mommy. I dont know kung totoo ngang hindi sila pupunta ng pasko dito at doon sila sa ampon nilang napakasama ng ugali.

"Apat ba kayong aayusan?" Tanong ni Ate Lyn

"Yes ate. Ilan po ba ang kasama niyo? Or ilan po ang pinadala ni Donna Unnie?" Mukhang ito nga ang Personal stylist ni Ate Donna sa korea.

"Eight steph. We are all eight" Sabi ni Ate Lyn at tinawag na ang pito pa niyang kasama.

"Shall we start?" Tumungo lang si Ppanyang at sinimulan na kaming ayusan.

Pupunta kaya yung mukhang aso na yun? Jeez bakit ko ba siya iniisip? Kung di siya pupunta edi wag. Di siya kawalan sa buhay ko.

"Khai? How's your gown? The one that you will going to wear in Mr & Ms Winter?" Tanong ni Ppanyang dito. I am confident na mananalo tong si Khaira.

"The gown is in my car. My Mom bought it in Paris"

"Goodluck Khai" The three of us said in Chorus.

Bestfriends Forever ? or not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon