STEPH POV
Pagkatapos ng dramahan ng dalawa sa Garden naghiwa-hiwalay na kami. Nandito na ko sa harap ng SSG Office. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok. Nakita kong nakaupo sa sofa si Carlo."Thank you" Sabi ko pagkalapit ko sa kanya.
Nilapag ko na yung mga gamit ko sa table ko.
"For what?" Tanong nito. Nag mamaang-maangan ba ito?
"For Last night. Tinulungan mo si Jen na iuwi ako kagabi" Sabi ko dito habang binubuksan ang laptop ko.
Hindi na ito nagsalita. May kumatok ng tatlong beses sa pinto at pumasok si Jen.
"Jen pa ayos na ng invitation para sa Christmas Party. Then, where's Sharmaine? How's the fund? Kasya na ba yun para sa mga gagamitin sa party?" Tanong ko rito.
"Madami pang nagbabayad para sa party dun sa Accounting. Nandun siya para narin tumulong. Last day narin kasi ng payment ngayon kaya ang daming nagbabayad" Nakabayad na kaya yung Tatlo?
"I already talked to the company na mahihiraman natin ng mga gagamiting props para sa Party" Bored na sabi ni Carlo.
"Grabe ang daming nag au-audition para sa sa Mr & Ms winter" Pagod na sabi ni Charlotte pag kapasok na pagkapasok nila sa Office. Kasama niya ang Escort niyang si Matteo. Wala ito last time nung nag meeting kami. May pagkatamad din kasi ito.
"Isang linggo nalang bago yung party. Sana sa Monday okay na lahat. Mahirap pag narush tayo" Sabi ko.
-------------
"Steph where should i put this?" Tanong Charles. Sobrang busy naming lahat, Thursday na kasi ngayon at bukas na ang party. Inaayos namin ang Gymnasium dahil dito gaganapin ang Party."Sa stage nalang Charles" Tugon ko dito. Nandito din si Jo,Mikey,Cath at ewan ko kung sino pa yung kasama ni Cath. Ngayon ko lang kasi ito nakita.
Mukha namang hindi ito nag aaral dito."Ano pa mukhang aso. Paano ka ba nakapasol dito ah?" Inis na sigaw ni Cath
"Ano ba Panget. Hinaan mo nga yan boses. At sa Gate ako pumasok" Sabi ng lalaki.
Wala dito si Khai. Nag da-dry run sila para sa Ms & Mr winter and yes nakapasok siya. Di ko pa nakikita yung partner niya.
Sila Charlotte ang nagaasikaso doon.
"Steph yung catering nabayaran ko na. Ano pa bang mga dapat bayaran?" Tanong ni Sharmaine sa akin.
"Take a rest muna Shar. Mukhang pagod ka na" Sabi ko ito. Halos pagod narin naman kami lahag. Si Carlo ayun inaayos yung magiging fake snow na gagamitin.
After how many hours naging okay na yung magiging venue. Mala Frozen ang datingan nito. Hindi na namin kailangan ng air condition para lumamig ang paligid. Bubuksan nalang kasi namin ang mga bintana. Ang gymnasium namin ay nabubuksan ang bubong. Dahil mag papasko naman. Malamig ang simoy ng hangin. Mala winter talaga ang datingan.
Tumayo ako sa harapan nilang lahat "Thank you guys kasi tinulungan niyo ang SSG officers na matapos ang venue ng event natin. Lets enjoy tomorrow. Have a merry Christmas Everyone" Pumalakpak silang lahat pagkatapos kong magpasalamat.
Dahil tapos naman na ang lahat nagsiuwian na ang iba at anim nalang kaming natira.
"Can you please introduce that guy to us Catherine?" Tanong ko rito. Ngayon ko lang talaga kasi ito nakita.
"Why should i?" Mataray na sabi nito. Ngayon nalanv ulit ito nagtaray si Cath. I smell something Fishy.
"I am Mavy Ford" Maikling pakilala nito. Nginitian nalang namin ito.
BINABASA MO ANG
Bestfriends Forever ? or not?
Teen FictionWala ka na ngang forever sa lovelife pati ba naman sa friends mawawalan ka rin ng forever ? Tunghayan ang road to forever ng magkakaibigang Stephanie Alonzo, Khaira Ramirez, Catherine Alcantara and Joana Santos. Makayanan kaya nila ang mga pagsubo...