STEPH POV
Nandito na ko ngayon sa school. Masyado ata akong napaaga halos wala parin kasing mga estudyante. Naglalakad ako sa hallway papunta sa room ko ng makasalubong ko si Charlotte.
Pag nasa room naman hindi naman kami ganoong nagpapansinan pero napapansin kong lagi siyang nakatingin sa akin. Hindi ko parin alam kung bakit niya kami tinarayan noon ng makita niya kaming apat na magkakasama sa enrollment. Nung nakaraan sa cafeteria yun lang yung araw na kinausap niya ako ng mag isa. Pagkatapos nun hindi niya na ko ulit pinansin.
Hindi niya ata ako nakikita dahil nakaharap siya sa Phone niya habang naglalakad. May tumutulak sa akin na kausapin siya.
"Charlotte" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at natawag ko ito.
Lumingon naman ito at tila mukhang nagulat."Why?" Tanong nito hindi ko rin alam ang isasagot ko. Bakit ko nga ba kasi siya tinawag?
"Ah maaga pa naman. Can i talk to you for a while?" Tanong ko dito. Hindi ko na alam pa ang mga sinabi. Parang may sariling isip ang bibig ko at sinabi ang mga salitang iyon. Bakit feeling ko kilalang kilala ko na siya? Bakit ang gaan ng feeling ko sa kanya? Bakit masyado akong feeling close sa kanya? Haist
Nagdalawang isip muna ito bago sumagot "Sure" Ng sumagot na ito, tumabi kami sa gilid dahil nasa gitna kami ng hallway.
"Bakit tila iwas ka saakin?" Inumpisahan ko na ang convo namin. Kahit pa kasama ko siya sa SSG at kaklase ko siya, siya lang ang hindi ko talaga na kakausap. Tila iwas na iwas talaga. Alam ko namang may pagkamataray talaga ito. Kaya ang daming iwas dito pero bakit sobrang apektado ako na pati ako iniiwasan niya?
Hindi siya sumagot.
"Im not. Hindi naman kasi dapat lahat kailangan pansinin ka lagi." Sabi nito habang nakatingin sa open ground.
Tama nga naman siya. Hindi naman lahat ng kaklase ko dapat pansinin ako. We are 30+ hindi naman lahat ng classmates ko kailangan akong pansinin. Pero bakit sobrang apektado ako sa kanya?
"By the way can i ask one question?" Tanong nito ng hindi parin nakatingin sa akin.
"Sure. What it is?"
"How are you?" Tanong nito sabay tingin ng diretso sa mga mata ko.Yung mga tingin niya parang familiar sakin. Parang nakita ko na. Napakunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya. Bakit niya tinatanong kung okay lang ako?At bakit tila may ipinaparating ang tanong niya?
"What a lame question. Im sure that your okay." Sabi nito at umiwas ng tingin.
"Can i go now? Its already 7:00 am." Tumango nalang ako. Naglakad na siya paalis sa pwesto niya. May sasabihin pa sana ako pero bigla na siyang nawala.
Tumingin na ko sa relo ko at tiningnan ito. 6:35 am ang sinasabing oras ng relo ko. Bakit sabi niya 7:00 am na? Mali ba ang orasan ng relo niya? Advance naman ito masyado.
Aalis na dapat ako ng may tumawag sa pangalan ko.
Nilingon ko ito. Si Khaira pala.
At may kasama siyang isang babae at isang lalaki."Ang aga mo naman Ppanyang?"
Tanong nito habang papalapit sa kinatatayuan ko."Napaaga lang ng gising" Sagot ko dito. Ng makalapit ito sa kinaroroonan ko napatitig ako sa dalawa niyang kasama.
"Kambal ba kayo?" Bigla ko nalang natanong. Hindi naman kasi sila ganun magkamukha pero mapapansin mo parin yung pagkakapareho nila.
"Yes, we are" Sagot ng babae habang nakangiti. Wala namang reaksyon yung lalaki.
"Ah Ppanyang, Her name is Zyline, she's one of my friend here. And Jerick her twin brother" Pakilala nito sa mga kaibigan niya. Ito ba ang mga pinagseselosan ni Cath? Kahit kailan talaga yun si Cath sobrang selosa. Tsk.
BINABASA MO ANG
Bestfriends Forever ? or not?
Teen FictionWala ka na ngang forever sa lovelife pati ba naman sa friends mawawalan ka rin ng forever ? Tunghayan ang road to forever ng magkakaibigang Stephanie Alonzo, Khaira Ramirez, Catherine Alcantara and Joana Santos. Makayanan kaya nila ang mga pagsubo...