TWCIASA #14: The Owner

1K 45 17
                                    

TWCIASA #14: The Owner

Napamulat ako ng tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Napatalukbong ako ng unan nag-inat ako at saka tumayo. Tumingin ako sa alarm clock ko.

O____O

"Aw! Shit! Late na ko." Pumasok agad ako sa cr. Mabilisan lang ang ginawa. Natagalan lang ako sa pagmamake-up ng kalahati ng katawan ko pataas.

Tinignan ko na ang sarili ko sa salamin. Hindi naman ako masasabing panget. Hindi rin naman masasabing maganda. Fake na kilay, Fake na dark spot sa mukha. Napakagaling ng nag-imbento nito. Hindi ako masyadong nagsusuot ng contact lens. Pero ngayon magsusuot ako.

Tinignan ko ulit ang kabuan ng itsura ko.

"And you know what again? You're pretty."

Naalala ko naman ang sinabi niya. Ano bang nakita Kiano sa mukhang ito at nasabi niyang pretty? Bulag na ata siya.

Iniling iling ko ang sarili ko.

'Kalimutan mo na Zam ang nangyari kagabi. Tandaan mo si Andrei Marie Amphere ang hinalikan niya.'

Teka iisa lang naman si Andrei Marie Amphere at si Zam Yuin eh.

I hate this mission. I cursed it!

Lumabas ako ng unit ko. Nagulat ako ng may nakita akong demonyo malapit sa unit ko. Nakatayo lang siya doon at nakatingin sa akin ng diretso.

'Anong ginagawa niya diyan?'

"I've been waiting here mahigit isang oras na." Nakacross arm lang siya at nakatingin sa akin ng masama.

"Who told you to wait?" Tanong ko. Hindi niya ako sinagot. Lumakad na ako at nilagpasan ko siya.

Bigla niya ako hinila.

"Sabay tayo." Sabi niya.

"NO." Simpleng sagot ko. Tinarayan ko siya.

"Matapos mo kong paghintayin ng matagal ayan lang ang sasabihin mo." Natatawa siyang napipikon na ang mukha.

"Edi maghintay ka ulit doon." Inirapan ko siya. Bigla ba namang hinila ng braso ko.

"Ano ba?! Hindi ka ba nakakaintindi. Ang kitid ng utak." Binulong ko lang ang huli kong sinabi.

Naglakad na lang ulit ako. Naramdaman ko namang sumabay siya sa akin. Napangisi na lang ako.

"Meron ka ba ngayon at bang sungit mo?" Tanong niya.

Napahinto ako at kumunot ang noo ko sa narinig ko sa kanya.

"Do you hear what your saying? Baka nakakalimutan mong lalaki ka at sa babae mo yan tinatanong. It's a privacy for the girls." Sabi ko.

"And so? I'm just asking. May masama ba dun?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

'Napakabobo ng isang ito. Sayang ang ipinagkaloob na mukha.'

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon