TWCIASA #2 : Planning

1.6K 48 0
                                    

TWCIASA #2 : Planning

Kinaumagan pagtapos ng class ko ay dumiretso sa PGC. Mga bored ang mga mukha pero nung napadpad ang kanilang mata sa akin ay mga nagsiayos ng upo.

"Wala pa sila Pres." Sagot ni Arman ang Editor ng PGC.

'Tinatanong ko ba? Psh.'

"Baka late na nagpalabas yung mga prof ng mga yon. Ganon pa naman ang prof ngayon sinasagad kahit tapos na ang time nila!" Reklamo ni Bernard ang umaasikaso sa Lightning. Tinawanan lang siya ng iba.

"Goodmorning Pres." Pagbati ni Rein. Tinignan ko lang siya at hindi binati pabalik. Sa lahat ng naging myembro ko ay si Rein lang ang tahimik sa lahat.

Halos kaming dalawa lang ang nasa club na to noon. Nangmagsimula akong itayo ang Club na ito ay isa siya sa mga ipinasa ko. Ayoko naman ng marami, magaling siya kaya pinili ko siya at napakapursigido niyang makapasok. Okay na yung iilan lang. Nagpasok lang ako ng ibang myembro dahil hindi maipagkakailang may mga potensyal ang mga ito.

FLASHBACK

"Bukas na lang kayo mag-audition. Cut na." 

Mahigit 150 na tao ang nag-audition pero wala pa rin akong mapili. Sobrang nakakapagod at masakit sa ulo dahil andaming tao pa rin sa labas hanggang ngayon. Nag-aaudition lang yung iba para mapalapit lang sakin. Gusto kong humanap ng tunay. yung kagaya ko, yung tipong gusto din yung pangarap ko. Hindi lang dahil gusto ko. Kung hindi pangarap niya rin ito. Pero mukhang wala akong makita. Ang pagphophotography ay mahalaga para sa akin. At wala lang kwenta iyon para sa iba.

"Miss Zam, Ano ba yan? Kanina pa po kami nag-iintay dito."

"Oo nga po. Hindi pa nga kami kumakain eh."

'Kasalanan ko ba yon? Pwede naman silang umalis tapos wag ng bumalik'

Napakahaba pa ng pila at umaangal lahat.

"Wala ng babalik bukas." Supladang sabi ko.

"Ano ba yan? Sayang naman po yung pagpunta ko dito--" Sinarado ko na yung pintuan dahil dinudumog na nila ang PGC.

Nagtype ako sa telephone. Matawagan nga yung guard.

"Manong Guard? This is Zam."

"Oh Ms.Zam, dinudumog ka na naman po ba? Sige po ako ng bahala."

Halos di na bago sa pandinig ng guard yon kaya alam na niya.

Nakita kong dumating agad yung guard pinapaalis silang lahat.

"Umalis na sabi kayo dito eh! Ano ba?! Gusto niyong principal pa ang ipatawag ko? Alis!" Buti na lang umaalis na yung ibang mga tao. Pero may isang babae akong napansin nagpupumiglas siya doon sa guard.

"Kuya, Hindi pede. Mag-aaudition po ako!" Pagpupumilit niya.

Sumasakit na ang ulo ko sa mga auditioners na to.

"Ikaw, anong year ka? Umalis ka na dito. Nawawalan ng privacy si Ms. Zam. Hindi na siya nagpapa-audition. Nakita mo ba yun? Sarado na. Kaya umalis ka na." Tinutulak tulak siya nung guard.

"Kuya naman. Please po."

"Hindi nga pede wag kang makulit! Kukunin ko yang Id mo. Sige." Nakikita ko yung babae dito.

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon