TWCIASA #33: Rival

113 4 0
                                    

TWCIASA #33: Rival

Kinaumagahan ay ginising na kaming lahat may panibagong Activity na naman ang pinagawa.

"Okay, students. Ang activity naman natin ngayon ay Tug of War. So ang iba ay sa kabila ang iba ay sa kanan, It requires two teams to battle in order to test your strength. One team pulls on one side of a rope, and one team pulls on the other end until a team manages to pull the rope a certain distance may makikita kayong linya dyan. Against the pull of the opposing team. There is often a red ribbon tied to the middle of the rope so it is clear when one team pulls the middle over to their side and the team wins. Are you ready? KUNG SINO ANG MANANALO ANG SIYANG UNANG KAKAIN NG UMAGAHAN! UNDERSTOOD?"

"Yesssss! Sir!" Masayang sagot naman nila.

Pumwesto na ang lahat. Mahaba ang lubid na iyon. Ang iba ay nanonood lang. Pinilit lang ako nila Janna na sumali. Hawak hawak ko ng mahigpit ang rope na iyon.

*PRITTTTTTTTTTTT*

Nagulat ako ng malakas na pumwersa ang kabila sa paghila pero hindi kami nagpatalo ay hinihila rin namin ito. Ilang minuto ay nahihila na namin iyon papapunta sa amin. Nagtalunan kami ng bumigay ang kabila.

1-0

Hanggang pangatlo lang para makabawi sila.

Nagsimula na ang laban pero parang nawalan kami ng lakas dahil inilagay namin sa una.

1-1

Sumunod na laban ay nagdikit ang puntos. Malakas din ang kabila kaya nahihirapan kami.

2-2

Nagsimula na ang seryosong laban dahil pagkain ang pinag-uusapan ay hindi nagpatinag ang iba. Halos lahat kami ay sumasakit ang ang kamay gawa ng lubid. Lumububod ang mga paa namin sa buhangin.

"Aaaaaaaaaaaahhhhh!!" Nahila namin ang lubid at sumalampak lahat sa buhangin pero iba ang nasalampakan ko.

O___________O

Pumaibabaw ako sa matipunong katawan ni...




Jawrence.

Kanina ay ibang tao ang nasa likuran ko! At babae iyon! Pano siya napunta don?!

Hindi lang sa ibabaw niya napunta kundi ang mga labi ko ay nakasubsob sa labi niya. Nanlaki ang mga mata ko. Agad akong napatayo at napanganga sa nangyari.

"A-Anong ginagawa mo sa l-likod ko?!" Naiilang kong sabi pero ginagalitan ko  ang boses ko.

"Nakipagpalitan yung nasa likod mo dahil lalaki ako dapat may pwersa sa harap para humila." Walang emosyong sabi niya at parang binalewala lang ang halik na yon.

"KUMAIN NA KAYO!" Sigaw sa amin lahat na napalingon kami. Mabuti na lang ay walang nakapansin saming nagkapatungan kanina. Pero hindi ako sigurado kung may nakapansin ba o wala. Binalewala ko na lang iyon. Kumain na lahat. Maraming nangyari sa buong maghapon. Ipinasyal kami sa buong isla.

Sobrang ganda dito kung mananatili ka dito ay mas gugustuhin mo ng tumira dahil ang babait ng mga tao. Kahit hindi ka kilala ay babatiin ka. May mga zipline, scuba diving, at kung ano ano pa.

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon